-
"Akala ko ba magkaibigan tayo!? Pero bakit mo ako trinaydor!?" Galit na sigaw ni Lucy.
"H-hinde mali yang nasa isip mo tinawagan ako ni Leandro dahil wala ka at may sakit siya!" Depensa ni Thalia.
"Hindi ako naniniwala sayo pinagkatiwalaan kita tinuring kita na parang kapatid pero ahas ka!" Muli niyang sigaw. Kasalukuyan silang nasa ikalawang palapag ng bahay na nagtatalo matapos abutan ni Lucy si Thalia na lumabas sa kwarto ng asawa.
"Lucy please hindi yan totoo bakit ayaw mo akong paniwalaan?"
"Dahil sinungaling ka! Alam kong dati pa na may gusto ko sa asawa ko!"
"Alam mong hindi totoo yan may asawa na ako kaya hindi ko magagawa yang sinasabi mo! Magkaibigan tayo Lucy wag kang mag isip ng ganyan-" agad na dumapo sa mukha ni Thalia ang kamat ni Lucy.
"Kulang pa yan sa mga kasinungalingan na sinabi ko ahas ka ahas!" Sinabunutan ni Lucy si Thalia at habang sinasabunutan niya ito ay papalapit sila nang papalapit sa hagdan at sa isang iglap ay nabitawan ni Lucy si Thalia at nahulog ito sa hagdan.
Sa sobrang gimbal ni Lucy ay hindi niya nagawang tulungan si Thalia,nabalian naman ito dahil sa tindi ng pagkabagsak nito matapos mahulog sa hagdan. Nawalan ng malay si Thalia at hindi na alam ni Lucy kung ano ang gagawin niya.
-

BINABASA MO ANG
The Secret Billionaire's Son
Ficțiune adolescențiErin Del Mundo is just an average high school teen na natutong mamuhay ng normal matapos silang iwanan ng kanyang ama,pero lahat magbabago dahil sa muling pagbabalik ng mga taong naging bahagi na ng buhay niya noon lalo na ang kanyang ama na handang...