"Hahaha bulol hahaha bulol" Halos hindi na makapag salitang asar sakin ng mga kaklase ko kakatawa."Bakit ano bang mali ta tinatabi ko" Umiiyak kong tanong dahil buong taon nalang ng pasukan ay lagi nila akong inaaway di ba sila nag sasawa.
"Hahaha the way you speak. Yung S mo kasi nagiging T" Mataray na sabi sakin ng classmate ko na si veronica.
"Pero normal lang naman ta itang bata yun ah" Sagot ko at patuloy pa rin sa pag iyak.
"Oo nga! normal lang pero grade 4 na tayo athena ganyan kapadin mag salita" taray naman sakin ng kakambal ni veronica na si vennies.
Kaya hinayaan ko nalang silang pag tawanan ako at patuloy lang sa pag iyak. Pag katapos ay ikukulong nila ako dito sa bodega ng school at after 5 minutes lang may mag bubukas nito isang high school student.
Sa apat na taon ko dito sa school nato lagi nalang nangyayare ang eksenang Ito pinagtatawanan at binubully nila ako dahil T ang pagbigkas ko sa letter S na kahit naman ako hindi ko alam kung bakit ganun.
Athena!! Tawag sakin ng isang high school student na si kuya tan pag kabukas ng pinto.
Kuya tan!! Iyak ko at mabilis na lumapit sa kanya at niyakap.
"Kuya *sob* lagi nalang *sob* nila akong *sob* kinukulong dito ang tatama nila" umiiyak kong sabi sa taong laging nagliligtas sakin sa twing kinukulong ako dito sa bodega.
"Sorry athena ah! ngayon lang nakarating si kuya, sorry nahuli ako ng dating" Paliwanag nito habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Hindi na ako mag tatalita kuya" sabi ko habang malungkot nakatingin kay kuya tan.
Huh? Bakit.? Kunot noo nitong tanong.
"Para di na nila ako pag tatawanan twing mag tatalita ako para di na nila ako awayin" Sagot ko
"Di mo kailangan gawin yun. Sabi ko naman sayo diba tawagin mo ako pag inaaway ka nila" Sagot nito.
"Eh pano ko nga yon gagawin kuya kung di ko alam kung nataan ka" Nakasimangot kong sagot pero pinagtawanan nya lang ako.
"Hahaha ikaw talaga ang cute cute mo kahit bulol ka" Aniya at kinurot ang pisnge ko. Kaya agad akong umiyak hindi dahil sa kurot kundi sa BULOL
"Oh oh Athena! Masakit ba pagka kurot ko sorry sorry" tahan nito sakin.
"Hindi yun!!! tabi mo takin bulol ako eh" Ani ko at patuloy na umiyak.
"Ikaw talaga ok sorry. Tara na ihahatid na kita sa room nyo then ako babalik narin sa room namin be good girl ok" sabi nito inakay na ako palabas ng bodega.
Pero hindi ko alam na iyon na pala ang huling pag kikita namin ni kuya tan dahil ng malaman ni mama na binubully ako. Agad ako nitong inilipat ng ibang school. At simula nuon hindi na ako nakipag kaibigan pa hindi narin ako nakikisalamuha pa sa mga kaklase ko hindi narin ako umiimik dahil wala ng kuya tan na magliligtas sakin pag inaway ako pag nabully ako.
Hi guys! thanks sa pag basa ng prologue, i know hindi catchy ang prologue ko, but i can assure you na maganda ang flow nang story na to so i hope, basahin mo parin sya.. kung hanap mo iyakan, tawanan, kiligan, dramahan, or ano pa.. basahin mo na to dahil hindi ka mag sisise.. and if you continue to read this, dont forget to click the YELLOW STAR down there, and also COMMENTS para sa mga feedbacks nyo, syempre gusto ko din naman malaman mga reaksyon nyo, so donr forget to VOTE and COMMENT guys ah.. thank you.. Lovelotssss 😘😘😘😘
~Miss. A (BHANGSY)
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Teen Fiction"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...