Zeus falcon POV
Babe i have something to tell you. Masayang lapit sakin ni vanessa habang may dala dalang wine glass at wine.
Ano yun? Tanong ko nandito kami ngayon sa condo nya. Tinatamad pa akong umuwi eh kaya dumiretso muna ako sa condo niya.
Remember nung mga bata pa tayo. Yung pangarap kong maging isang sikat na international model. Aniya at halata mo ang saya sa mga muka nito.
yeah! Bakit?? Pag aalangan kong tanong. Pakiramdam ko kasi may iba eh.
Babe mangyayare na sya. Tita elisa calls me na may isang agency sa states na nangangailangan ng pinay model. Since model na ako dito sa pilipinas hindi na nadaw ako mahihirapan na makapasok dun. Masayang sabi nya.
No! Hindi ka pupunta ng states! Tutol ko sa kanya. Dahil parehas kaming nangako sa isat isa na sabay kaming mag tatapos ng pag aaral then magtatrabaho hanggang sa bumuo ng sarili naming pamilya.
But babe! Ito na oh abot kamay ko na yung pangarap ko tapos pipigilan mo pa ako dont be selfish. Inis nyang sabi kaya mukang sa pagtatalo na mauuwi ang pag uusap naming ito.
Dont be selfish! Ikaw nga tong selfish vanessa. Sige nga pano na yung mga pangako mo yung pangarap nating dalawa ano maglalaho lang yun na parang bula dahil lang sa walang kwentang pangarap mo! Galit kong sabi sa kanya at isang malakas na sampal ang binigay nya sakin.
Walang kwentang pangarap!! Zeus bata palang ako ito na ang gusto ko kaya pano mo nasasabing walang kwentang pangarap. Eh ikaw may pangarap kaba diba wala. Inis nyang sabi habang umiiyak na. Kaya napag desisyunan ko nalang umuwi kesa lumala pa sa pag aaway to.
Meron akong pangarap! At yun ay makasama ka hanggang pagtanda.! Sabi ko bago tuluyang umalis. Bakit,bakit napakadali lang sa kanya mag desisyon na anytime kaya nya akong iwan.
Athena POV
~ganito napala ang pag ibig alaala ka sa araw gabi sa pagtulog ko at sa pagising laman ka ng bawat dalangin at ikaw ang hangad nitong pusong sabik at labis ngang nagmamahal sa isang iglap lang ay nahulong na nga ganito, ganito, ganito napala ang pag ibig~
kanta ko habang nag luluto dito sa apartment ni zeus! Kasi hindi ko mapigilan mapangite dahil nakita ko na si kuya tristan, tapos ang laki pa ng pagbabago nya ang gwapo nya eh. Oy Oy hindi ko sya crush or something ah parang kapatid lang talaga ang nararamdaman ko kay kuya tristan saka ang saya lang kasi sa pakiramdam na yung akala mo na hindi na kayo ulit mag kikita yun pala pinaglapit na pala kayo ni tadhana. Grabee nasa paligid ko lang pala sya. ganun naba talaga kalaki yung school nayun para hindi ko sya makita.
Habang pakanta kanta at pasayaw sayaw pa ako ay biglang may nag doorbell mukang nandito na yung mahal na prinsipe kaya agad akong pumunta sa pinto para pag buksan sya malamang pag matagal ko yun napagbuksan baka mag super saiyan 10 yun.
Maligayang pagbabalik mahal na prin...... napahinto ako ng hindi ang bathalang ibon ang nakita ko sa labas ng pinto kundin isang lalakeng nasa 40s na ang edad na nakakunot noong nakatingin sakin.
A-ano pong kailangan nila? Tanong ko dito na hindi parin nawawala ang pagtataka sa mukha.
Nandyan ba si zeus? Tanong nya.. ahh baka tatay to ni zeus.
Ah wala pa po eh pero pasok po muna kayo. Ani ko at binigyan ito ng daan papasok.
nasa school paba sya. Tanong nito pag kaupo sa sofa.
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Teen Fiction"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...