Chapter 26 ( Kidnapped )

1.3K 78 8
                                    

Athena POV

Hmmmppp hmmmmppp.. pilit kong sigaw kahit tinatakpan ng matabang lalake nato ang bibig ko at pilit sumisigaw para marinig ni ashley pero wa epek dahil biglang pinasok ako sa isang kotse at mabilis pinatakbo ang kotse papalayo kay ashley.

Ang tatanga nyong mga kidnapers kayo mangingidnap nalang kayo sa walang pera pa!! Sigaw ko pagkapasok namin ng kotse dahil binitawan na nung lalaking kalbo ang kamay nya sa bibig ko. Saka ang tatanga eh mangingidnap nalang ako pa ang pinili eh hindi naman ako mayaman simple lang naman ang buhay namin ni mama saka nakakadiri ang baho ng kamay nung balyenang to.

Wag ka ngang maingay dyan miss hindi ikaw ang kailangan namin. Mahinanon na sagot sakin nung kalbong nanghila sakin papasok dito sa kotse at parang pamilyar ang kalbong to ah.

Eh bakit nyo ako kinidnap. Sagot ko kung wala pala silang kailangan sakin bakit kailangan ko madamay teka wait naalala ko na tong kalbong to ah! ang tatlong kalbong nakabanga ni zeus sa bar nuon kaso parang kulang nasaan na yung leader nila..

Yung jowa mo miss! sya ang kailangan namin dahil sya ang may malaking atraso samin. Nakangiseng sabi naman nung kalbong may lollipop pa sa bunganga sabay nag tawanan ang dalawang balyenang to.

Boyfriend?!! NBSB pa nga lang ako binigyan nyo na agad ako ng boyfriend. Sagot sa tatlong to na ngayon ay kunot noo na tumingin sakin.

Anongggg!! Diba ikaw yung babaeng kasama nung mokong nayun sa bar. Inis na sabi ng baylenang katabi ko.

Oo pero hindi ko sya boyfriend kaibigan ko lang sya. Sabi ko at medyo napahina ang boses ko pag bangit ng kaibigan ko lang si zeus, kaibigan lang..

Kaibigan nga lang baaaaa. Sabay sabay na sabi pa ng tatlong balyena at nang aasar na tumingin sakin.

Kaibigan nga lang!! Ang aano nyo. Sagot ko sa kanila at tumingin nalang sa malayo.

Ewan ko ba dapat sa oras nato natatakot or kinakabahan na ako pero kasi parang tiwala naman na hindi nila ako sasaktan dahil si zeus ang kailangan nila at hindi ako kaso pano si zeus baka mapahamak sya.

***
B-bakit nandito tayo. Kinakabahan na sabi ko sa dalawang balyenang naka hawak sa magkabilaang braso ko habang papasok kami sa isang madilim na gusali maliit lang ito mukang underground pa nga eh.

Dami mong satsat miss manahimik ka nalang para hindi ka masaktan. Pananakot naman sakin nung isang balyena. Pero kasi eh bakit kasi madilim takot nga ako dun eh..

Kaya wala na akong choice kesa saktan ako ng mga balyenang to nanahimik nalang ako at mariing pinikit ang mga mata ko habang papasok sa madilim na gusali at inaalala ang mga masasayang alaala mula sa nakaraan.

Oh! Bakit nakapikit yan!? Padilatin nyo nga yan ng makita ang gwapo kong mukha. Rinig kong sabi ng isang lalake na base sa pakiramdam ko medyo malayo sa harapan ko.

Hoy miss dilat mo daw mata mo utos ni boss. Sabi sakin ng balyenang nasa gawing kanan ko. Kaya kahit takot na baka dilim ang makita ko unti unti kong dinilat ang mga mata ko at thanks God kahit papano may liwanag kaso dun nga lang sa lalakeng naka upo di kalayuan samin at aba mukang naka spotlight sya. at ng inikot ko ang tingin ko sa buong paligid wala kang makikita dito ni isang basura except sa mga bakal na pahaba ( parang pipe)

Oh! Wala pa ang saviour mo miss hintayin mo darating din sya maya maya lang. Rinig kong sabi ng kalbong balyenang naka spotlight.

Huh? Sinong darating?? Nagtatakang humarap ako dito at ngayon ko lang natitigan ng mabuti tong leader kuno ng mga balyena. Ouch nakaka awa ang sinapit nya ang laki ng black eye nya at may bukol pang dalawa sa noo kawawa naman. Napano kaya to napagtripan ng engkanto o tao?

I'm His Yaya COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon