Annaliza POV
Ano ba kayong dalawa, para kayong aso't pusa kumain nalang kayo dyan.. Saway ko sa dalawang ito.. dahil bangayan ng bangayan..
Oo nga pala kailangan kong tawagan si madam na hindi muna ako makakapasok hanggat hindi pa nagiging maayos ang lagay ni athena..
Saglit lang ah. ani ko sa dalawa na busy sa pag kain at naglakad sa kabilang side ng kwarto para tawagan si madam kaso,
Naku! nasaan ang cellphone ko.. ani ko ng kapain ko sa bulsa ko ang cellphone na gamit ko ay wala..
Tita may problema po ba? ani ni ashley..
Saglit lang ako, may babalikan lang ako sa cafeteria.. sabi ko sa dalawa at nag mamadaling lumabas ng kwarto..
Wait tita!!!.. rinig ko pang sigaw nila pero hindi ko na pinansin.. importante ang cellphone nayun. dahil regalo sa akin yun ni athena..
Miss may napansin po ba kayo ditong cellphone na puti.. sabi ko sa kahera ng pagka dating ko dito sa cafeteria ng hospital..
Ah kayo po ba ang may ari nun.. naiwan nyo nga po dito ma'am. buti napansin ng kasamahan ko.. aniya at pinakita ang cellphone na hinahanap ko..
Naku, maraming salamat.. importante kasi ang cellphone na to sakin.. nakangiteng pasasalamat ko at umalis na, baka mag kasalubong pa kami ni manuel..
Amanda....
rinig ko dahilan ng paghinto ko sa paglakad..
yung boses na iyon.. hindi ako pwedeng mag kamali,. dahil sa tuwing binabangit nito ang pangalan ko may kakaiba akong nararamdaman..
Amanda... sabi pa nito at hiniharap ako sa kanya..
Amanda.. sambit pa nito ng masiguradong ako nga at mahigpit akong niyakap..
M-manuel... sabi ko sa isip.. ang mga yakap nya na ito.. sobra ko tong na miss,. miss na miss kita manuel.. sobra kaso hindi pwede...
Amanda,. akala ko hindi na ulit tayo mag kikita.. aniya pag kakalas ng yakap..
K-kamusta kana.. ani ko at umarteng parang wala lang na nakita ko sya.. pero deep inside mix emotion na ang nararamdaman ko halong saya at lungkot..
Ikaw kamusta kana? alam mo bang matagal kong hinintay ang araw na to, na muli kang makita.. aniya habang mahigpit na hawak ang mga kamay ko..
Matagal nang natapos ang ugnayan natin manuel,. kaya hindi mo na dapat pa hinintay na makita ako.. ani ko at binawi ang kamay ko dito..
Pero bakit amanda? bakit kailangan mong sumama sa iba bakit iniwan mo ako? aniya ng may lungkot sa mga mata.. hindi manuel hindi kita iniwan hindi kita kayang iwan pero dahil sa ikabubuti namin ni athena kinailangan kitang iwan at wag ipaglaban.
M-mas mahal ko sya. ani ko at nag iwas ng tingin dahil hindi ko kayang tignan ang mga mata nya na ngayon lumuluha na..
Bakit amanda? hindi mo ba ako minahal? hindi mo ba ako minahal ah!!. ani nito at marahas na hinawakan ako sa magkabilang braso para iharap sa kanya..
Oo!! hindi kita minahal manuel dahil ang totoo may iba akong mahal at ang taong yun sya lang ang mamahalin ko hanggang sa dulo.. sagot ko at pilit kinakalaban ang sarili sa totoong nararamdaman ko.. dahil ang totoo manuel ikaw lang ang minahal ko at ikaw lang hanggang sa mamatay ako..
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Teen Fiction"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...