Athena POV
Athena! anak gising may nag hahanap sayo, kaibigan mo daw. Yugyog sakin ni mama at tinangal ang kumot na nagtataklob sa muka ko.
Ma sabihin mo hindi ako tumatangap ng bisita ngayon. Inaantok na tugon ko kay mama at muling tinaklob sa muka ko ang kumot.
Anak naman ngayon na diba yung christmas ball nyo kaya gumising kana dyan, sige ka kikilitiin kita. pananakot ni mama kaya kahit ayaw ko pang gumising ay bara bara akong tumayo dahil ayoko makiliti ni mama takte nang huling kiniliti nya ako hindi talaga ako tinantanan hanggang sa umiiyak na ako.
Eto na ma gising na po. Ani ko at medyo na hihikab pa.
Babain mo na si ashley, ashley daw pangalan nya eh. ako na mag aayos nitong higaan mo. Ani ni mama kaya dumiretso muna ako sa banyo at ng makapag hilamos at sipilyo nakakahiya naman kung haharap akong ganto itsura ko kay ashley.
Napadalaw ka. Medyo inaantok na sambit ko ng makita ko si ashley sa may sofa.
Bakit hindi kapa nag aasikaso girl! mamaya na ang christmas ball. Aniya ng makitang mukang wala akong balak mag prepare para sa christmas ball.
Nag bago na isip ko ash. hindi na ako sasama. ani ko at pilit na ngumiti habang naka sandal sa edge ng upuan ang ulo ko.
Ano! eh pano na yung plano hindi na matutuloy.? gulat na sabi nito kaya medyo napatawa ako.
Ano kaba tuloy parin sya kaso sa ibang araw nalang hindi na muna mamaya. sabi ko pero hindi parin nawala ang kunot noo nitong expresyon.
At ano naman ang reason mo ah!? bakit hindi mo itutuloy ngayon!? hindi mo ba alam na ito na ang tamang time athena mamaya magsise kapa nyan. aniya, mag sisise eh hindi naman darating yung lalakeng pag coconfessan ko.
Hindi naman darating si zeus mamaya ash! kaya kanino ako mag tatapat dun sa pader. saka marami pa akong pagkakataon saka remember yaya nya ako kaya magkikita parin kami kahit christmas vacation na. ani ko at binulong ang part na yaya nya ako kasi mahirap na baka malaman ni mama eh.
Hayss ang gara mo naman edi para saan papala tong gown na binili ko itatapon ko nalang. nakasimangot na sabi nya at ipinakita ang paper bag na nasa gilid nya.
Hala bumili ka? ani ko at kinuha ang paper bag. pasaway talaga tong babaeng to porket mayaman bili lang ng bili.
Hindi! yan pa yung gown na binili natin sa mall bago ka kunin nung mga matatabang lalake. aniya at sya naman ang bumulong.
kaya nakaramdam ako ng konsensya. sayang lang ang perang ginastos ni ashley sa gown na to kung hindi ko magagamit. ang laking halaga din nito kaso nga lang mukhang hindi naman ako mag eenjoy sa ball mamaya kasi hindi naman ako mahilig sumama sa mga ganyan. ngayon nga lang eh dahil akala ko makakapagtapat ako kay zeus kaso hindi naman sya sasama hayss saka oo nga pala nakapangako na pala ako kay kuya tristan kaya dapat tuparin ko yun.. haysss bahala na nga..
Sige na nga sasama na ako. ani ko at pilit na ngumiti. bahala na pipilitin ko nalang mag enjoy kesa masayang ang effort ng mga kaibigan ko para sakin aba bihira nalang ang gantong kaibigan nuh..
Yieeee kaya lablab kita eh. masayang sabi ni ashley at niyakap ako ng mahigpit.
Saka diba mamaya panaman yun 4 maaga pa ash. ani ko dahil anong oras palang 8 palang ng umaga nambubulabog na sya hindi naman sya excited nuh.
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Teen Fiction"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...