Athena POV
Kung sakaling may dumaan na shooting star ano iwiwish mo? tanong ko sa kanya bahang nakahiga kami dito sa may bubong ng bahay namin. yeah BUBONG.. (parang ewan lang nuh. sa bubong na isipan tumambay pero para kasi sakin perfect place to pag mag mumuni muni ka). dito kasi sya ng new year so dahil may secret door ako paakyat dito sa bubong mula sa kwarto ko, umakyat kami para manuod ng fireworks.. sana nga lang hindi kami mabuko ni mama hindi nya alam to eh.
Hmmm. diba sabi pag nag wish ka. wag sasabihin kasi hindi matutupad. sagot naman nya at humarap sakin.
kung sakali lang naman . saka wala namang shooting star eh. sabi ko at napaharap nalang ulit sa mga bituin.
Ganun sige saglit.. aniya at pumikit saglit bago sabihin ang hiniling nito..
Kung mag wiwish man ako gusto ko ay wag kang maging asawa in the near future.. humahagikhik na sabi nito kaya kinunutan ko sya ng noo.
Edi ayaw mo psh. sabi ko dito.. hindi naman kasi talaga ako naniniwala sa shooting star na pag nag wish ka magkakatotoo. kasi paniniwala lang naman yun, akala ko lang naman na maniniwala sya then gusto ko lang malaman kung anong gusto nyang iwish. pero yun pala ang gusto nya. sana pala hindi na ako nag tanong.
Hayss ang slow mo. aniya at niyakap ako bago halikan sa sintido.
Lagi kaba nandito sa bubong nyo? aniya pa pero nanatili parin syang nakayakap sakin..
Hindi naman pag stress lang, kasi stars ang stress reliever ko eh. sabi ko na medyo na patawa.. naalala ko kasi sa tuwing malungkot ako umaakyat ako dito tuwing gabi at magmamasid sa mga bituin then maya maya lang nakangite na ako.
Ay wait may nakalimutan pala ako. aniya at bumalikwas sa pagkahiga.
Ano yun? tanong ko at hinila naman nito ang kamay ko para makaupo ako.
Kahit ayaw kong bigyan ka ng gift ng ibang lalake kahit kapatid ko payan sige papayag ako pero dapat ako din may gift sayo. aniya kaya napakunot noo nanaman ako dahil nabigay na nya ang gift nya sakin nung christmas. isang teddy bear din kaso human size. kasing laki ko na nga eh. at natuwa naman ako ng magustuhan nya ang gift ko. couple shirt kasi yun ang pinaprint ko na may nakalagay sa harap na couple na anime then sa likod GIRLFIE lo ve BOYFIE. at ngayon ay suot namin hihihi ang cute 😊😊
Ano nanamang pakuno yan ah zeus!! sabi ko dito dahil pinatalikod lang ako nito sa kanya at pinapikit.
Basta pikit kalang. aniya..
Hoy umayos ka ah. tandaan mo nasa bubong tayo baka kung ano gawin mo dyan may kwarto naman. biro ko dito na tinawanan naman nya.
Baliw hindi, ang dumi nanaman ng isip mo.. pero sabi mo yan ah sa kwarto mamaya.. aniya at kahit nakatalikod alam kong ngumingise ang lokong to.
Tse! ang patola mo masyado.. palo ko dito,
Hahaha biro lang.. ito kasi bibigay ko. aniya at maya maya lang may malamig akong naramdaman sa leeg ko.
Ano to zeus.! medyo gulat na sabi ko at ng tignan ko isa tong kwintas na may pendant na puso.
Malamang necklace magulat ka pag naging bracelet yan. pang aalaska nito. tsk sapakin ko sya eh.
Loko ibig kong sabihin bakit mo naman ako binilhan nito. sabi ko at humarap na sa kanya.
kasi niregaluhan mo ako ng couple shirt so gusto ko couple din tayo. aniya at pinakita ang suot suot nyang leader necklace na hugis susi ang pendant..
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Teen Fiction"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...