Tristan POV
Saglit sasama ako. harang samin ng isang lalake wait parang kilala ko to ah.
Jacob wag kanang sumama kaya na namin to. sagot sa kanya ni ashley at kaming dalawa ni arvie seryosong nakatingin lang sa kanya.
Narinig ko lahat ng pinag usapan nyo sa loob, nasa panganib si athena kaya hindi ako tutunganga dito kaya sa ayaw at sa gusto nyo sasama ako. pagpupumilit pa ng mokong nato. sya pala yung jacob nice, ngayon ko lang sya nakita ng malapitan psh mas gwapo parin kami ni zeus.
Hayaan mo tara na. blangkong sabi ko at nauna nang mag lakad kung gusto nyang sumama bahala sya saka pwede narin yun para may makatulong kami ni arvie sa pag gulpi sa mga kalbo gang nayun.
mga ilang minuto pa ang tinagal bago kami nakapunta dito sa bakanteng lote dahil narin sa walang katapusang traffic .
Dude pano yan mukang wala sila dito. ani ni arvie ng madatnan naming wala ni isang tao dito sa bakanteng lote saka nilamon na ng dilim ang langit kaya mukang mahihirapan kaming makita sina athena at zeus.
Subukan nating hanapin dito sa buong lugar baka nandito lang sila. sabi ko sa kanila at nauna ng mag hanap malakas kasi ang pakiramdam ko na nandito lang sila, dahil tago ang lugar nato mukang bibihira lang ang mga nagagawi.
Try kaya natin dun baka nandon sila. turo ni ashley sa gusaling katabi lang ng bakanteng lote.
Hindi pwede private property yan baka makasuhan pa tayo. sagot naman ni jacob dahil nga may naka paskil na private property bawal pasukin.
maghiwa hiwalay nalang tayo then tumawag agad pag nakita na natin sila. sabi ko nalang sa kanila at nag sitanguan naman ang mga ito. kaya ako nag lakad na susubukan kong tignan kung anong meron sa malaking pader na nasa dulo ng lugar nato.
akala ko may madadatnan ako pag punta ko dito pero hype yan puro puno na nakita ko kaya umalis nalang din agad ako at nag lakad lakad na,
30 minutes passed
Dude parang nalibot na natin tong lugar pero parang wala sila eh. ani ni arvie ng mag kita kita kami ulit dito sa bakanteng lote.
Baka naman wala dito, baka sa ibang lugar. sabi naman nung jacob pero hindi! malakas talaga ang pakiramdam ko na nandito sila.
Try na kaya nating ireport sa pulis tristan. ani ni ashley na halata mo na ang pagod sa mukha.
Mas lalaki lang ang gulo pag nag sumbong tayo sa pulis baka mas lalong hindi na tantanan ng mga kalbong yun si athena at si zeus. sagot ko dahil baka mas lalo lang mapahamak sila zeus.
bakit ba kasi kailangan madamay ni athena eh fake girlfriend lang naman sya ni zeus. inis na sambit ni jacob kaya parang gusto ko syang sapakin. wala syang alam kaya manahimik nalang sya.
Uyyy mukang may nag seselos. pangaasar ni arvie kay jacob pero inismiran nya lang ito.
Ako ang gusto ni athena kaya sa huli kami din ni athena ang magkakatuluyan. proud na sabi nitong si jacob. aba ang taas ng tingin nya sa sarili nya ah di nya alam na fafall na si athena kay zeus dahil kahit hindi sabihin yun ni athena nakikita at nararamdaman kong mahalaga na si zeus sa kanya.
Asa ka!! singit ko ang yabang eh..
Aaaaaarrghhhhhhh!!! rinig naming sigaw at pareho pareho kaming gulat na napatingin sa isat isa dahil sa sigaw nayun at bakas sa mga muka namin na nabuhayan ng loob.
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Teen Fiction"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...