Zeus POV
Pagkauwi ko galing sa bahay nila athena. dumiretso muna ako sa sala at naupo nalang muna sa sofa habang madiing ipinikit ang mga mata ko para maiwasang tumulo ang mga luha, kaso wala malakas ang luha ko dahil tuloy tuloy lang sya sa pag tulo. bakit kasi ganun, bakit kailangan pang mangyare samin to ni athena. pwede naman kaming maging masaya ah, bakit ayaw ba ni tadhana na maging masaya kami,.
pero nahinto ang pag dadrama ko ng may mag doorbell mula sa labas kaya bwisit na tumayo ako para tignan kung sinong nilalang ang umistorbo sa mag eemote ko...
Vanessa.. Bulalas ko pagkabukas ko ng pinto.
Babe.... aniya at mabilis na lumapit sakin para yakapin ako..
What the!!! vanessa ano bang ginagawa mo.. pigil ko at pilit inilalayo sya sakin..
Babe,.. nandito na ako ohh mahal na mahal kita babe. aniya na mukang lasing. amoy ko din sa hininga nya eh.
Stop it! vanessa matagal na tayong tapos. sabi ko pa habang inilalayo parin sya sakin pero malakas sya na naging dahilan para bumagsak kaming pareho sa sahig at ngayon nasa ibabaw ko sya.
I love you babe.. Aniya bago nya inilapit sa mukha ko ang mukha nya..
Athena POV
Anak... bungad sakin ni mama pagpasok ko sa loob..
Ayos lang kayo? dagdag pa ni mama na tanging buntong hininga ang naisagot ko..
Hindi ko alam ma.. parang may malaking problema si zeus.. malungkot na sabi ko.. hindi ko kasi alam bakit parang ayaw sakin sabihin ni zeus ang problema nya.. pwede naman nyang ishare yun sakin makikinig naman ako..
Anong problema? pang uusisa ni mama.. siguro pati sya curious sa action ni zeus kanina.. nakakapanibago din kasi diba strong man yun eh.. hindi basta basta umiiyak..
Ayaw nyang sabihin ma. sabi ko na ikina tango nya.
Intindihin mo nalang muna ang boyfriend mo anak.. baka maliit na problema lang yun na ayaw na nyang sabihin sayo para hindi kana mag alala pa.. payo naman sakin ni mama sabay tapik sa mga braso ko..
Pero kung maliit lang yun, bakit umiiyak sya.. sabi ko..
Trust him anak.. if you love him mag titiwala ka lang sa kanya ok.. sabi pa nito bago ako halikan sa noo..
Sige na matulog kana.. good night.. ani pa ni mama bago naglakad papunta sa kwarto nya.. hayysss tama si mama.. mag tiwala lang ako kay zeus.. mahal ko sya kaya dapat magtiwala lang ako sa kanya..
Athena... rinig ko pang tawag sakin ni mama ng paakyat na ako.
Po? sabi ko
Bukas dito kayo mag lunch ni zeus, magluluto ako.. nakangiteng sabi ni mama at nag wink pa bago bamulik sa kwarto nya.. kaya napatawa nalang ako.. ang mama ko talaga..
***
maaga palang ay nagising na ako para puntahan na sa apartment si zeus.. gusto ko lang masure kung ok na sya.. syempre gusto kong kasama sya everytime na malungkot or may problema sya gusto kong iparamdam sa kanya na nandito lang ako para sa kanya.. hayy ang drama ko na masyado hahaha..
zeus?? tawag ko ng makarating na ako sa tapat ng apartment.. at since hindi naman sya sumasagot siguro tulog pa.. kaya kinuha ko nalang sa bag ko yung duplicate key para makapasok na ako..
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Teen Fiction"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...