Athena POV
Yieeeee excited na ako athena para sa christmas ball alam mo bang pinaglaban ko talaga sa mga kapwa ko SSC na magkaroon nalang ng christmas ball instead na christmas party and luckily inagreehan nila akong lahat. Natutuwang sabi sakin ni ashley habang naglalakad kami sa hallway, walang klase ngayon dahil nag p-prefared para sa darating na christmas ball at kahit naman ako nagustuhan ko ang naging desisyon ng school exciting nga naman to.
Bakit naman christmas ball ang napili mo? Ani ko at hinila sya paupo sa isang bench ang kulit eh akala mo may bulate sa katawan hindi mapakali.
Lahat naman tayo may crush, mapalalake or babae payan and that ball may chance silang makasayaw ang kani kanilang crush. Aniya na may kasamang tili pa.
Gusto mo makasayaw ang crush mo? sino ba crush mo?? Tanong ko dito dahil wala naman syang nababangit sakin about crush.
H-huh? W-wala na nuh. Utal na sabi nya at nag iwas ng tingin.
Weee!! Sino nga meron kang crush ehh!! Pamimilit ko pa at kiniliti sya sa tagiliran.
Haha sige pero sagutin mo muna to. Aniya at mukang nanghahamon pa kaya pinaningkitan ko sya ng mata.
Sino ba mas gusto mo si jacob or si zeus. Bulong nya sa tenga ko na nagpahinto sakin sino nga ba?
H-hindi ko alam. Sagot ko sa kanya at napatulala sa malayo. Hindi ko alam kung sino ba ang gusto ko sa kanila nalilito ako sa sarili kong nararamdaman.
Panong hindi mo alam? Naguguluhang tanong nya kaya mapait akong ngumiti sa kanya.
Si jacob na crush ko umamin narin sakin na gusto nya rin ako, inaamin ko kinilig ako sa confession nya kaso hindi na sya katulad dati na ang lakas ng imfact tapos si zeus pakiramdam ko nahuhulog na ako sa kanya kaso baka kasi infatuation lang saka natatakot ako na mahulog sa kanya kasi ako ang talo dahil wala naman syang feelings sakin eh mahal nya parin si vanessa. Malungkot na paliwanag ko. Kaya naguguluhan ako ano ba dapat piliin ko.
Aww saklap naman pala athena. Naka sad din nyang sabi kaya nginitian ko sya para syang ewan eh.
ikaw sa tingin mo sino ang mas dapat kong piliin? Tanong ko dito na baka kahit konti magpabukas sa tamang pag iisip ko.
Hmmm. I think si jacob kasi crush mo sya eh gusto karin nya unlike kay zeus na mafafall ka nga wala namang sasalo saka baka infatuation nga lang yan kasi diba remember magkaaway kayo nuon. Sagot nya at may point nga naman sya ang kaso nga lang yung feelings ko kay jacob hindi na katulad nuon.
Hay bahala na si batman bakit kailangan ko pang pumuli sa dalawa eh pwede namang wala akong piliin para tahimik ang buhay. Ani ko dahil tahimik naman ang buhay ko kahit wala sila kahit mag isa lang ako..
Wait lang nasaan na yung sagot mo dinaan mo ako sa kwento eh. Dagdag ko pa ng maalalang hindi pa nya sinasabi sakin kung sino ang crush nya.
Grabe inalala mo pa talaga pero sige na nga sasabihin ko na si tristan buenaventura. Mapait na ngite nito pag kasabi nya ng pangalan kaya napanganga ako dahil si kuya tristan ang crush nya.
Seryoso ka? Sabi ko at medyo nailang dahil naalala ko nanaman yung araw na nag tapat sakin si kuya.
Yes at ok na ako ngayon naka move on na ako. Nakangite nitong sabi. Kaya napanatag na ang loob ko kasi parang ang sakit sa pakiramdam na yung kaibigan mo gusto ng taong gusto mo.
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Teen Fiction"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...