ATHENA POV
Whaaaa!!! ano ba gagawin ko pano ko ba magagawan ng palusot yung magiging trabaho ko.?? sigaw ko habang may nakatakip na unan sa mukha ko.
Eh kung sabihin ko nalang kaya na mag b-boarding house ako. Pabalikwas kong sabi at maya maya lang narinig kong kinakatok na ni mama ang pintuan ng kwarto ko.
Anak bakit gising kapa. aniya at pumasok na sa loob ng kwarto.
Bakit hindi kapa natutulog? maaga kapa bukas diba.aniya paglapit sakin.
Ah eh wala po ma hindi pa po kasi ako inaantok. ani ko dahil totoo naman eh hindi na ako makatulog kakaisip sa palusot ko.
May gusto kabang sabihin anak? Tanong ni mama. ayan na mukang nahuhuli na nya ako.
ah wala ma. i love you.!! sabi ko at niyakap si mama.. Whaaa, sana hindi ako mahuli..
Ang baby ko talaga kahit dalaga na ang sweet sweet parin. nakangiteng sabi ni mama at niyakap ako.
Syempre naman ma. ikaw kaya ang supermama ko. nakangite kong sagot at yumakap din kay mama.
siguro wag nalang muna. siguro hindi ko nalang muna sasabihin kay mama. sa tamang oras nalang.
****
*kringgggg kringgg. rinig kong tunog ng cp ko kaya napadilat ako.
sino naman tong nang iistorbo ng tulog ang ganda ganda na ng panaginip ko eh.. inis kong sambit at sinagot ang tawag. unknown number, kaya hindi ko kilala.
hello.?? walang gana kong tanong sa caller.
So ganyan kapala bumati ng good morning sa amo mo.? ani ng caller. sino namang amo ang pinagsasabi nito.
hoy sino kaba at anong amo ang pinag sasabi mo. wag ka nga nang iistorbo ng tulog nakakaleche ka ah.!! galit kong sabi sa caller at nang akma ko na tong papatayin ng mag salita sya.
Aba!! mukang nakakalimutan mo atang yaya kita.!! aniya kaya yung antok na antok kong mata nanlaki (O.O) nang marinig kong yaya nya ako.
A-ah S-sorry zeus sorry nawala kasi sa isip ko eh. ani ko dito. juskulord yaya na pala ako ng hinayupak na to.
At sinong nag sabi sayong tawagin mo akong zeus! diba sabi ko tawagin mo akong mahal na prinsipe.! tsk ayokong naririnig na tawagin mo ako sa name ko kinikilabutan ako.. aniya. psh arte mong mokong ka. piling prinsipe amp. muka kalang prince pero yung ugali mo pang beast.
Masusunod po mahal na prinsipe.! ani ko at umirap .. haysss kailangan ko ng masanay, masanay sa ugali ng mokong nato. haysss kakayanin ko kaya to (T^T)
By the way kaya ako napatawag sayo, since ito ang first day mo na magtatrabaho sakin. putol nya sa sasabihin nya. psh first day daw baka first worst day kamo.
Ano yun ze-- i mean mahal na prinsipe? tanong ko dito pabitin pa eh di nalang ituloy.
Pumunta ka ngayon dito sa apartment. ipagluto mo na ko ng breakfast. gusto ko fried rice and bacon with hotdog then gatas. yan ang gusto kong almusal. bilisan mo ah gusto ko mga 5am nandito ka na. aniya kaya tinignan ko ang oras sa cellphone ko at langhiya 4:30 na tapos papupuntahin nya ako sa apartment nya ng 5:00 nang aasar ba tong mokong nato.
Pero 4:30 na tapos 5:00 dapat nandyan na ako hindi ako si flash zeus! angal ko dito. ang aga aga mantrip.
What! umaangal ka. may pang aasar na sabi nito. kaya madiin ko nalang na pinikit ang mata ko.
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Teen Fiction"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...