Annaliza POV
Alam mo liza ang laki ng pagsisise ko sa buhay. Sambit ng matandang babaeng inaalagaan ko habang nag babalat ako ng mansanas.
Ano ano po iyon madam? Tanong ko dito habang nakatingin sa mukha nyang kahit pinag daanan na ng panahon alam mong napaka ganda nito ng kabataan nya.
Mga salitang itinago ko sa haba ng panahon. Aniya at bakas mo dito ang lungkot sa mga mata.
May tinatago po ba kayo sa anak nyo? Ani ko dahil isa lang kasi ang anak nya at ang asawa naman nya ay matagal nang pumanaw.
Wala naman akong itinatago sa anak ko, sa lalakeng minahal ko sa kanya ako may itinago. Aniya at mapait na ngumiti, at dahil saktong tapos na ako magbalat ng mansanas humarap ako sa kanya na handang makinig sa mga ikwekwento nya.
Nuong kabataan namin uso ang arrange mariage na kahit hindi mo mahal ang taong papakasalan mo ay wala kang magagawa dahil para sa negosyo ng mga magulang nyo, ang lalakeng napangasawa ko ay si julyo. Mabait matalino gwapo na halos lahat ng magugustuhan mo sa isang lalake ay nasa kanya na pero hindi ko alam kung bakit hindi ko sya magawang magustuhan o mahalin, mahal nya ako gaya ng lagi nyang sinasabi sakin ngunit nalulungkot ako kasi hindi ko kayang ibalik ang mga salitang iyon. Pinagtiisan nya ako kahit pinaparamdam ko sa kanya na hindi ko sya mahal na may iba akong mahal ilang beses din akong nagtaksil sa kanya para iwan nya ako pero inintindi nya parin ako dahil mahal nya raw ako hangang sa ako nalang din ang sumuko dahil mukang wala syang balak na pakawalan ako hangang sa nag kaanak kami si matilda naging masaya ang aming pagsasama naging masaya ako sa kanya na hindi ko akalain na darating sa punto na mamahalin ko din pala sya. Hinto nito sa pagkukwento at agad ko namang pinunasan ang mga luhang tumulo sa kanyang maamong mata.
Kung ganon nasabi nyo po ba sa kanya na mahal nyo siya. Ani ko ng makabalik ulit ako sa aking kinauupuan.
Balak ko na nuon sabihin sa kanya ang mga katagang mahal ko sya at sinakto ko din iyon sa aming wedding anniversary. Naghanda pa ako ng kaunting salo salo para sa kanyang paguwi galing trabaho napaka excited at napakasaya ko nuon liza habang iniimahe ang kanyang mararamdaman. Ngunit iba ang nangyare akala ko kasiyahan ang babalot saming bahay nuon ngunit binalot kami ng iyak at paghihinagpis. Habang pauwi daw ay bumanga ang kotseng minamaneho nya sa pampublikong tren (PNR) na nagdulot ng kamatayan nya. Dahil dead on arrival na sya pagkadala sa kanya sa hospital. Nag sisise ako liza kung nuon na inamin ko na agad na mahal ko sya magkasama pa kaya kami ngayon kung hindi ko sya sinaktan. Kaya natatakot ako malamang sa pagpanaw ko muli na kaming magkikita pero pano kung hindi na nya ako patawarin liza paano? Paliwanag pa nito at humagulgol na sa pag iyak, nalulungkot ako para sa kanya grabe syang pinag laruan ng tadhana hindi nya manlang binigyan ng pagkakataon na ipaalam kay julyo na mahal nya rin ito.
Kaya mula nuon hindi na muli ako nag mahal pinangako ko sa kanya na hindi na ako muling magmamahal pinangako ko na hanggang sa aking huling hininga sya lang ang lalakeng mamahalin ko. sabi pa nya at mapait na ngumuti sakin. Kaya agad akong lumapit sa kanya para yakapin sya habang hinahagod ang kanyang likod.
Mapapatawad ka nya madam hindi ba sinabi nyo na kahit nagtaksil at sinaktan nyo sya nuon ay minahal parin nya kayo kaya sigurado akong mapapatawad nya kayo dahil mahal na mahal kayo ng asawa nyo. Ani ko at ngumiti sa kanya para gumaan gaan ang nararamdaman nya.
Ate sabi ko naman sa inyo diba huwag nyong hahayaang maging emosyonal ang pasyente dahil lalong lalala ang sakit nya sa puso. Inis na sambit ng nurse pagkapasok sa loob ng kwarto.
S-sorry hinayaan ko lang kasi na ilabas ng matanda ang hinanakit nya para naman gumaan gaan ang nararamdaman nya. Sagot ko sa nurse na ngayon ay pinapakingan ang heartbeat ng matanda.
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Novela Juvenil"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...