Chapter 1 ( pagtatagpo)

4.8K 145 18
                                    


    Sa mundong ito may ibat ibang klase ng tao.  Mga manloloko, dahil mas gusto nilang sila ang nakaka lamang kesa sa iba. nagpapaloko, mga taong kahit alam nang niloloko go parin kadalasan mga nagpapakatanga, mga marurupok. masiyahin, kadalasan mga think positive ang mga to. joker, dahil kadalasan dito nila itinatago ang mga malulungkot na kanilang pinagdadaanan. seryoso, dahil para sa kanila ang buhay dapat siniseryoso at hindi ginagawang biro , tsismosa, dahil masaya silang nakakapakinig ng ibat ibang storya ng ibang tao kesa intindihin ang mga sariling buhay nila. mayabang, dahil ayaw nilang maapakan o malalamangan ng iba. feelingera, madalas mga assuming. mandadaya, galit matalo. tahimik, may sariling mundo pero madalas may malungkot na nakaraan. at marami pang Iba. At sa mga klaseng ito isa ako sa pinaka TAHIMIK

Dahil pakiramdam ko, mauulit lang ang nangyare nuon pag nakipag salamuha pa ako sa iba.. kaya dibale nang masabihan ng may sariling mundo wag lang muli makaranas ng pambubully at pang huhusga ng iba..



"ATHENA MAE TUAZON" hindi pala tahimik ang mundo ko may gumugulo pala (-_-)

"Na miss kita girl" Lapit sakin ni Ashley Dixon di ko alam kung pano ko to naging kaibigan napakaingay ng babaeng to. Na kahit di na ako umiimik sa mga sinasabi nya tuloy pa rin sya sa pagsasalita.

"Kakakita lang natin kahapon"  Sagot ko at dirediretsong naglakad.

"Iihhh!! Kahit na namiss parin kita halos ilang oras din tayong hindi nag kita nuh" Sagot nito at yumapos sa mga braso ko.  Sa Totoo lang di ko to kaklase nung grade 11 lang tapos di naman nya ako kinakausap dati kaya nagtaka ako bat nilalapitan ako ng babaeng to.

"Hayy!! Nandito na tayo make a wonderful day athena goodbye"  Aniya at bumeso sakin bago umalis.  Yan ang every routine nya hihintayin nya ako sa hallway at ihahatid ako dito sa room at sasabihin ang mga kataga na iyon kaya minsan napapailing nalang ako.

Pagpasok ko sa room diretso agad ako sa pwesto ko ang Last row. ako lang mag isa sa row nato at wala ng kaso yun sa mga classmate at teacher ko dahil sanay na sila na mas gusto kong nag iisa..

Mukang masyado pang maaga dahil wala pa ang teacher namin si Ms. Go at maya maya lang nagkumpulan na ang mga babae sa first row at handa ng makinig sa every daw concert ni Jacob Reyes pero di yan artista hilig nya lang talaga kumanta every morning bago mag start ang klase. pero hearttrob yan dito sa school, bakit ko alam? kasi...

Gwapo humble matalino at napakabait ni Jacob kaya nga nagustuhan ko sya ng almost 6 years pero never kong pinaramdam or ipinakita na gusto ko sya dahil kilala nga dito si Jacob sa buong campud at sino ba naman ako? isang babaeng silent, loner, anti social.

~Ba't 'di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipa-uubaya na lang ba 'to sa hangin
Huwag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako at nakikinig sayo Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh... ~

Tapos nito sa kanta at nagulat ako ng bigla itong napatingin sa gawi ko kaya ang puso ko nag tatalon sa kaba at syempre sa kilig..

Dug. Dug. Dug. Dug. 

Ayan nanaman kumakabog nanaman ng mabilis ang dibdib ko kaya agad akong umiwas ng tingin kay jacob, nakakahiya sana hindi nya napansin na nagulat ako sa pagtama ng mata namin..

*Booooogsssh* malakas na bumukas ang pinto na halatang sinipa. At alam na kung sino iyon ang mayabang lang naman na si......

"Zeus falcon!! Kailangan talaga sinisipa ang pinto" salubong ni Jiro Cruz sa kakapasok lang na si Zeus Falcon.

I'm His Yaya COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon