Chapter 2 (Detention Room)

3.3K 134 13
                                    

Athena POV


Ubo ako ng ubo matapos ako bugahan ng usok ng sigarilyo sa bibig ni Zeus

"Hahaha! ngayon tignan ko lang kung hindi ka mag salita" tumatawang sabi nito kaya masama akong tumingin sa kanya.

"Bwisit ka zeus napakasama mong tao" Sigaw ko sa isip ko at di na napigilan mapaluha.

"See you later Athena" Pang aasar pa nito bago lumabas ng banyo. 

"Bwisit ka zeus falcon di kita mapapatawad sa ginawa mo sakin. hindi ko to palalagpasin tandaan mo yan gaganti ako sayo" bulong ko at pinunasan ang mga luhang bumabagsak saking mga mata.

Pagkalabas ko ay agad kong nakita si jacob sa hallway na palinga linga kaya walang pag aatubiling lumapit ako sa kanya at ibinigay ang bola na kanina pa nya gustong makuha sakin.

Athena..  Aniya pero di ko sya sinagot pagkabigay ng bola at umalis na.

Kaagad akong naupo sa bench na nakita ko at duon na humagulgol ng iyak. dahil pakiramdam ko bumabalik yung nakaraan, yung mahinang athena na laging nabubully ng mga kaklase.. yung athenang ayoko ng balikan pa..

"Bwisit ka falcon makakabawi din ako sayo hintayin mo lang nakakainis nakakabwisit ka sarap mong ipakulam, mamatay ka sana sa sigarilyo bwisit ka"  Sigaw ko sa isip ko habang matalim na nakatingin sa kawalan at umiiyak.

"Here". Abot sakin ng panyo ng lalakeng nasa harapan ko si jacob pero tingin lang ang iginante ko sa kanya.

"Oh! Wag mo naman ako titigan ng ganyan. Take this" Aniya at kinuha ang palad ko para kunin ang panyong binibigay nya at naupo sa tabi ko.

Gaganti ako at dapat ngayon na tama dapat ngayon na.!!  Sigaw ko sa isip ko habang nakatingin sa panyong hawak hawak ko.

Gaganti ako! Ani ko at tumayo na sa kinauupuan ko at tinungo ang classroom namin dahil malamang nasa room na ang ibon na yun.

Athena wait.! Sigaw ni Jacob pero di ko na yun pinansin at dirediretso sa paglalakad. habang nag lalakad ay binabalot ko ang kamao ko sa panyong ibinigay ni jacob dahil sa panyong to nakaisip agad ako ng igaganti kay falcon.

dahil para malaman ng ibon nayun na mahilig din akong manuod ng action movie, idol ko yata si angelina jolie.

Pagpasok ko sa room si falcon agad ang hinanap ng mga mata ko at ayun ang mokong prenteng nakasandal sa pader kasama si Jiro.

"Oh! Hi Athena! wait parang kamuka mo na si sadako?? nakakatakot ka na ngayon tumingin, oh I'm scared mommy" Sarcastic na sabi ni Jiro sakin.. kahit kelan talaga ang lalake na to epal, akala mo sya tinitignan kahit hindi.

Pero imbes na intindihin pa sya dumiretso na kaagad ako sa nakasandal na si zeus falcon at masamang nakatingin na lumapit sa harap nya.

"What? May nagawa ba ako" Painosenteng tanong nito.  Kaya nginisian ko sya at mabilis na sinapak sa muka at ang loko bagsak natumba sa sobrang lakas ng sapak ko.

Yan! patas na tayo, hindi na ako ang athena nuon na papayag  mabully dahil ngayon! lalaban na ako..

"What the!! anong problema mo ah" Ani ni Jiro at hinarap ako pero bigla syang hinarang ni Jacob

"Guys tama na"  awat ni jacob sa galit na si jiro. at ibat ibang bulungan na ang namayani sa loob ng room namin..

"Hoy pipe!! Anong problema mo"  Galit na sigaw ni falcon pagkatayo.

I'm His Yaya COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon