Tristan POV
Dude! Lapit sakin ng kaibigan kong si arvie.Hmmm. Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya at nakatuon lang ang atensyon sa Cp. Bakit ba eh busy ako eh, busy ka chat ang mga girls ko, yes MGA girls hindi sa mahangin or mayabang ako pero yan ang totoo sila pa nga mismo lumalapit sakin para maging GF ko at ano paba gagawin ko palay na ang lumalapit sa manok.
I'm Tristan buenaventura 22 years old graduating na this year gwapo, mayaman, matalino, mabait naman minsan at habulin ng mga kolehiyala hindi sa mayabang ako or mahangin dahil yun ang totoo kaso isang babae lang talaga ang nag papatibok ng puso ko isang babae lang ang nandito sa puso ko isang babaeng kailan man hindi nararamdaman ang presensya ko. high school ako nuon ng makilala ko sya akala ko pa nuon nacucute-tan lang ako sa kanya sa twing nakikita ko syang nakangite at nag sasalita di ko alam na crush ko na pala sya. Gusto ko sabihing gusto ko sya kaso pano ko gagawin yun kung bata pa sya ano naman ang alam nya sa mundo ng pag Ibig. Tama kayo ng nabasa BATA bata pa sya nuong makilala ko sya at dahil bata pa sya nag pakakuya nalang ako sa kanya para mapalapit ako dito. ako ang nag liligtas sa kanya sa twing binubully at kinukulong sya sa bodega ng mga kaklase nya. kahit klase na namin nun ay nag papaalam ako lumabas kunwari ay mag cCR pero ang totoo pupunta ako sa building ng elementary dahil alam kong recess na nila at sa twing recess nila ay yan nang ikukulong sya sa bodega ng elem. At pagbalik ko sa room namin hahaha wala na ang teacher kaya ang akala nila nag cutting ako pero ayos lang para sa kanya kaso isang araw ang hindi ko inaasahang mangyayare. wala na sya lumipat na sya ng ibang skwelahan masyado akong nalungkot nun dahil hindi ko na sya makikita at madalas akong pumupunta ng bodega ng elem. Hoping na pag binuksan ko iyon makikita ko syang umiiyak tapos ay tatawagin ako at yayakapin. Kaso malabo ng mangyare yun dahil wala na sya wala na sya sa school nayon. Pero di ko akalain na darating ang araw na makikita ko ulit sya Oo nakita ulit sya ngayong college na ako ang laki ng pinag bago nya hindi na sya yung batang iyakin ngayon dalagang dalaga na sya tignan hindi narin sya iyakin kundi naging sobrang tahimik gusto ko syang lapitan at kausaping ako ang kuya tan nya kaso ewan ko nababakla ako pag dating sa kanya ilang beses na akong tangkang kausapin sya kaso tumitiklop ako kaya na pag isip isip ko na hindi na kami tulad ng dati na marami na ang nag iba ngayon kaya hanggang tingin nalang ako sa kanya at kahit sya hindi nya nararamdaman ang presensya ko hindi nya nakikitang may tristan na laging nakatingin sa kanya.
"Dude ano yang sinasabe mo alien words" Natatawang iling ni arvie na ngayon ay nakatingin na pala sa ginagawa ko.
Huh? Tanong ko at napatingin sa tinatype ko sa Cp puro na pala djdekdndgaldkxdbdid ang nasesend ko kaya nagtataka yung katext ko ginagago ko daw ba sya.
"Ah hahaha wala lang tinatamad na akong kausap sya eh" Pagdadahilan ko at tinago na ang cellphone sa bulsa ko.
"Dude nabalitaan mo naba yung nangyare sa building ng senior high" Pag iiba nito kaya nagkunwari nalang akong interisado.
Ano? Maikli kong tanong.
"Kilala mo si Zeus na siga sigaan ng grade 12" Pagsisimula nya. Tsk anong pake ko sa lalakeng yun.
"Anong nangyare kick out na" Malamig kong tanong.
"Hindi dude napatumba lang naman sya ng isang suntok at ang ma's worst pa dun! isang babae kaya nasaan na yung kayabangan nya diba" Kwento nya at na papailing pa.
"Sinong babae daw ang sumuntok baka niyabangan nya kaya nabwisit sa kanya" Sabi ko, nacurious ako sa babaeng sumapak ang tapang nya dahil ang usap usapan ng mga studyante dun matapang at mayabang daw tong si zeus hindi daw natatakot makipag sapakan kahit sa harap ng teacher at madalas makitang nambubully.
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Teen Fiction"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...