Chapter 23 ( mahal na nga ba kita )

1.5K 83 21
                                    

Zeus falcon POV

Sabi nila pag dating sa pagibig dapat marunong kang lumaban pero kung alam mong nasasaktan kana at malabong maging sayo siya mas magandang sumuko nalang kesa mag mukang tanga.

Mahal na prinsipe mag usap naman tayo oh! Oo na kasalanan ko na ang sama ko sayo kaya nga nandito ako eh para mag sorry eh kaya please buksan mo na tong pinto. Sigaw pa nya pagkasara ko ng pinto,

I dont need your sorry umalis kana dahil sa araw na to fired kana hindi na kita yaya kaya umuwi kana. Sagot ko habang nakatayo dito sa pinto, tama na mas maganda ng hindi ko na sya yaya mas maganda ng ilayo ko na sya sakin dahil baka lalo lang akong masaktan ayoko na, ayoko ng masaktan hindi naman ako babaero mayabang at pala away lang ako pero bakit kailangan kong masaktan ng ganto, ayoko na mas maganda ng bumalik nalang tayo sa umpisa athena yung walang paki elam sa isat isa, hindi nag papansinan at hindi kilala ang isat isa, alam kong mas magiging masaya ka sa kanya.

Mahal kita pero hindi ako tanga. Bulong ko at naupo habang nakayuko sa mga tuhod ko ang ulo ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko, wala na, natalo na ako,... minahal ko na sya.. minahal ko na yung babaeng hindi ako gusto.. ang bobo mo din kasi zeus, ang bobo bobo mo!!

Siguro umalis na sya dahil wala na akong narinig na sagot mula sa kanya, kung sabagay mas matutuwa sya pag tinangal ko na sya sa trabaho dahil malaya na ulit syang gawin lahat ng gusto nya hindi na sya gigising ng pagka aga aga hindi na sya uuwi ng late hindi na sya mapapagod mag linis ng aparment hindi na sya magpapakapagod sa pagluluto at higit sa lahat hindi na nya makakasalamuha ang gagong zeus na katulad ko kaya malamang masaya na sya.

****

Nagising ako ng makaramdam ako ng gutom hindi pala ako nakakain ng hapunan saka di ko namalayan nakatulog na pala ako dito sa pinto. Kaya tumayo na ako para lumabas ng kwarto magluluto nalang ako.

Napatalon ako sa gulat ng makita kong may natutulog sa sofa pagkababa ko at ng lapitan ko. Si athena pero akala ko umuwi na sya.

Ang lamig lamig tapos dito ka natulog sa baba. Bulong ko pagkalapit ko sa kanya na ngayon ay himbing na himbing parin sa pagtulog.

Pagsinaktan ka nya sabihin mo sakin ah gugulpihin ko sya. Bulong ko pa at inilagay sa gilid ng tenga nya ang mga hibla ng buhok na bumabagsak sa mukha nya.

Aishh tama na zeus! Tandaan mo pag hindi kapa lumayo sa babaeng to masasaktan ka kaya tama na ikaw na ang lumayo hayaan mo na syang maging masaya pero kasi eh bakit kasi dito pa sya natulog bakit di nalang sya umuwi kanina, nakakainis naman eh tapos ngayon namimilipit sya sa lamig ng sala haysss engot ka talagang pipe ka. At dahil di ko kayang makita sya sa ganung sitwasyon kahit sinaktan nya ako kumuha ako ng kumot sa kwarto at ikinumot sa kanya dahil kahit sinaktan mo ako mahal parin kita.

Athena POV

Hindi mo manlang pinakingan ang paliwanag ko. Malungkot na sambit sakin ni zeus habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

S-sorry zeus.. sambit ko at ng hahawakan ko na sya nagulat ako dahil hindi ko sya mahawakan para syang multo hindi mahawakan.

Pero sinaktan mo na ako. Malungkot parin na sagot nya habang may tumutulong luha sa mga mata nya.

S-sorry hindi ko sinasadya. Naluluha ko naring sabi dahil unti unti na syang naglalaho.

I'm His Yaya COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon