Athena POV
Oh, anak bakit hindi mo pa ginagalaw yang pagkain mo? sambit ni mama na nag pabalik sakin sa ulirat,.
Ah, sorry ma.. sabi ko at nag umpisa ng sumubo at hindi parin maalis ang tingin sa madalas na upuan ni zeus dito sa hapag kainan.. every weekends kasi umuuwi kami ni kuya tristan dito sa mansion para makasama sina mama at papa.. pero hindi ko parin maiwasan malungkot dahil maraming bagay na nag papaalala sakin kay zeus dito sa mansion,. ang kwarto nga nya hindi ko na pinabago, ganun parin at dun ako natutulog, para kahit papano parang kasama ko sya..
Ilang buwan na, halos mag iisang taon narin pero hindi parin sya bumabalik.. malungkot na sabi ko dahil hindi ko na napigilan kimkimin ang nararamdam ko dahil feeling ko anytime sasabog na ang dibdib ko..
Anak,.. nag aalalang sambit ni mama ng tuluyan ng may luhang tumulo sa mga mata ko..
Sigurado akong babalik yun, once na bumalik na ang alaala nya. yun paba baka matakot syang maagaw ka ng iba.. pag bibiro ni kuya tristan,. bakit kasi ang tagal yatang bumalik ng alaala ni zeus.. akala ko ba temporary lang at buwan lang ang bibilangin pero mag iisang taon na e..
Yun nga ang pinag tatakahan ko, base sa pag examin ko sa case nya, temporary memory lost lang ang injury ng brain nya at pinaka matagal na ang two months bago bumalik ang mga alaala nya.. sambit ni papa at napa tigil narin sa pag kain at napa isip .
Unless bumalik na ang alaala nya, pero hindi na sya babalik pa sakin.. sabi ko,. dahil yan nalang ang natitirang possible reason ko kung bakit until now hindi parin sya bumabalik..
Athena, wag mong sabihin yan. alam namin at alam mo kung gano ka kamahal ni zeus,. kahit nakalimot ang isipan nya ang puso nya hindi makakalimot, ikaw at ikaw lang yun.. pag checheer up sakin ni kuya tristan..
Tama ka kuya, bakit ba ang nega ko?? dapat think positive lang, babalik sya, babalik sya sakin .. sabi ko at pilit ngumiti habang patuloy parin sa pag agos ang luha ko..
Tahan na.. malungkot na sambit ni mama at niyakap ako..
Pagkatapos namin mag hapunan, ay nag punta nalang muna ako sa may veranda,. umaasa na sa bilog na buwan na ito, sana nakatingin din sya gaya ko,.
Athena anak. lapit sakin ni papa..
Pa. maikling sambit ko habang nakatingin parin sa buwan..
Sorry anak ah.. aniya kaya napaharap na ako dito..
Bakit naman kayo nag sosorry pa, wala po kayong kasalanan.. sabi ko, dahil walang may kasalanan ng mga nangyayare, maybe ito talaga ang nakatadhana samin ni zeus..
I'll try to find them pero hindi ko alam kung bakit hindi ko sila mahanap,. nag patulong narin ako sa mga kakilala ko na nasa new york pero wala din silang mahanap e.. malungkot na sabi nito, kaya niyakap ko ang papa ko,..
Pa, hindi nyo na po kailangan gawin yun.. mag tiwala lang po tayo kay zeus, diba napayuhan nyo naman sya bago sya umalis kaya for sure hindi nya yun bibiguin.. sabi ko, dahil ayoko na pati magulang ko nag aalala para sakin.. gusto kong maging matatag, pero kung makikita ko silang malungkot ng dahil sa nangyayare ayoko nun.. kaya nga hanggat maari ayoko ng nalulungkot e, gusto kong maging matatag, maniniwala lang ako na babalik si zeus na babalik sya sakin dahil ako ang mahal nya tutuparin namin ang mga pangarap namin na sabay kaming tatanda balang araw at wala ng makakapag hiwalay pa, kaya hindi ako mapapagod na hintayin sya.
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Teen Fiction"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...