Ashley POV
Hayaan nalang muna natin silang mag pahinga.. sabi ni tristan ng silipin namin sila athena at zues na ngayon ay magkayakap na natutulog kaya lumabas nalang kami.
Ano kayang nararamdaman nya. Tanging bulong ko sa isip habang nakatingin sa mukha nyang halos walang emosyon.
Wag mo nga akong tignan ng ganyan ayos lang ako. Aniya habang naglalakad kami sa hallway at mapait na ngumiti sakin.
Alam mo bang napaka bigat sa dibdib pag tinatago ang nararamdaman. Nakayukong sabi ko dahil hindi ko kayang makita ang mga mata nya na ngayon ay unti unting lumulungkot.
Mahirap,mabigat,masakit oo pero mas masakit kung pipilitin nating angkinin ang taong hindi naman para satin. Aniya at pinat ang ulo ko..
Sasaya din tayo. Dagdag pa nito at ngumiti na kahit may halong sakit at makikita mo na pilit itong lumalaban sa sakit.
Wait lang si jacob pala saka si kuya?? Tanong ko dahil pagkahatid ko kasi kay athena kay zeus ay nag punta ako ng cafeteria nagutom ako eh.
Huh? Hindi ko alam, akala ko nga kasama mo. Sagot nito kaya nasaan ang dalawang yon. Umuwi na kaya sila..
Ng maramdaman kong nag vivibrate sa bag ko ang cp ko agad ko tong kinuha.
Hello kuya?? Sabi ko pagkasagot ng tawag..
TULUNGAN MO AKO LILSIS!!! halos pasigaw nitong sabi kasabay ng malakas na tugtog at hiyawang naririnig ko.
Wait nasaan kaba?? Tanong ko.
Nandito kami sa malapit na bar dyan sa hospital. Tulungan mo ko lilsis kasi tong mokong nato naabnormal na.!! Sabi pa nya bago namatay ang tawag.
Naglasing si jacob.. Sabi ko kay tristan na nagtatakang nakatingin sakin.
Ano saan daw? Aniya..
Malapit lang dito tara... Ani ko at inaya na sya palabas ng hospital. Ang lalakeng yun ano bang sapak nya at nag lasing sya wag nyang sabihin na dahil broken hearted sya...
Paglabas namin ng hospital tama nga si kuya malapit lang dahil sa di kalayuan may isang bar na kahit hindi mo pa pasukin sa loob alam mong maingay at maraming tao.
Exuseee meeee... Ani ko at pilit gumigitgit sa mga taong nag sasayawan.
Ashley!! Tawag sakin ni tristan habang inaabot ang kamay ko.. Ang dami kasing tao kaya hindi kami makapasok sa pinaka loob.. Kaya wala na akong nagawa kundi tangapin ang kamay ni tristan .
Anong ginagawa nya.. Ani ni tristan ng makita namin si jacob na hindi mo alam kung matatawa kaba or maawa sa kalagayan nya. Kasi naman eh naka upo sya sa isang lamesa tapos kung ano ano pang pinagsasabi nya then biglang iiyak tapos tatawa na akala mo nababaliw. buti nalang nasa dulong part to ng bar kaya wala masyadong nakakapansin saka sa lakas narin ng music..
Shigeeeee ngaaaa anyong squewyutt ng 300 *hik*... Ani ni jacob kay kuya at halatang lasing na lasing na..
F*ck!! hindi ko nga alam!!! sagot sa kanya ni kuya at pinagugulo ang buhok nya siguro sa sobrang inis.
Kuyaaaa.. Lapit ko kay kuya na ngayon ay nakaupo at frustrated na frustrated.
Lilsis thanks God dumating na kayo dahil malapit ko ng bugbugin ang lalake nato. Ani ni kuya na nabuhayan ng loob ng makita kami ni tristan.
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Teen Fiction"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...