Athena POV
Ano?! w-wala na sya??.. gulat na sabi ko habang kausap sa kabilang linya si ashley..
Oo, at sa tingin ko kailangan tayo ngayon ni tristan, athena.. sagot nito na agad ko namang sinang ayunan.. kaya panandaliang natigil ang pag iimpake ko ng gamit..
Mama, pupuntahan ko lang po si kuya tristan.. paalam ko kay mama pagkababa ko ng kwarto.
Huh? may nangyare ba sa kanya.. nag aalalang tanong ni mama..
Wala ma, pero sa girlfriend nya meron.. patay na sya. malungkot na sabi ko.. nakakapang hinayang hindi manlang namin nakilala ng lubusan si angel, mukang mabait pa naman sya at masaya kasama..
Diyos ko.. malungkot na sabi ni mama..
Kaya aalis po muna ako ma, pagbalik ko nalang aayusin ulit yung mga gamit ko.. sabi ko at tuluyan ng umalis..
****
Athena!. tawag nila sakin ng magkita kita kami dito sa city park kaya agad na akong lumapit at sumakay sa sasakyang dala dala nila..Kailan nyo nabalitaan? tanong ko sa kanila.
Kanina lang, nag post kasi si tristan.. sagot sakin ni ashley..
Naalala ko ! binabangungot sya kaninang umaga thats why pumunta sya kina angel to check her pero mukang sa panaginip na nag paalam si angel kay tristan. malungkot na sabi ni arvie habang nag mamaneho..
For sure sobrang bigat nito kay tristan.. ani naman ni jacob. tama sya sa sobrang daming nangyayare sa mga buhay buhay namin nadagdag pa ito.. sana tatagan ni kuya tristan ang loob nya.. wag sya sanang sumuko sa mga pag subok na dumadating sa kanya..
Nandito na tayo.. sambit ni arvie ng ihinto ang sasakyan sa isang funeral building..
Tara na.. ani namin at kanya kanya ng bumaba..
Kuya tristan.. tawag ko kay kuya pagkakita ko ditong nakatulalang nakatingin sa kabaong ni angel.. at agad kong niyakap..
Condolence kuya.. malungkot na sabi ko habang mahigpit na yakap sya..
Condolence dude.. ani din ni arvie at niyakap din ito..
Hey wag nga kayong malungkot dyan.. ayaw nya ng malungkot.. ani ni kuya tristan samin. na kahit itago sa ngite ang sakit na nararamdaman nito ay lumalabas parin sa mga luhang tumutulo sa mga mata nya..
Kuya.. lapit ko at niyakap ulit at hindi narin mapigilan mapaiyak.. sobrang sakit! mas masakit ang mawala sa mundong ito ang taong mahal mo kesa ang makalimutan ka.
Nandito lang kami ok! hindi ka namin iiwan... mag kakaibigan na tayo dito, walang iwanan sa tawanan o iyakan kaya wag mong iisiping nag iisa ka lang ok! nandito kami para sayo tristan.. ani ni jacob at niyakap din ito..
Maraming salamat guys, kaya ko to,. maybe God has a reason kung bakit nangyayare to.. at mag titiwala lang ako sa kanya.. sabi samin ni kuya tristan.. Tama yan ang kuya tristan ko, always think positive...
pagkatapos kami ipakilala ni kuya tristan sa parents ni angel ay lumapit na kami sa kina hihimlayan nito..
Hi! sayang hindi manlang tayo nag kakilala ng lubos.. sambit ko habang nakatingin sa maamo nyang mukha.. Oo lahat ng tao dito hahantong pero ang hirap lang minsan tanggapin na maaga kang mawawala sa mundo..
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Teen Fiction"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...