Athena POV
Ikaw ahh akala ko ba si jacob lang hahaha. Pang aasar ni ashley habang nandito kami sa library. Gusto ko kasi lumayo sa mga mapang husgang tingin ng mga studyante kada dadaan ako bulungan at mga titig nila ang nasasalubong ko.
Ganun talaga nag babago.. Nakasimangot kong sabi at yumuko. Nahihiya ako haysss ako nalang ang nahihiya sa ginawa ni zeus. Akala nya ba matitigil pag sinabi nyang girlfriend nya ako parang lumala pa nga ata eh.
Eh bakit naka simangot ka dyan. Aniya at kinalabit ang balikat ko kaya napa angat ako ng ulo.
Hindi ah masaya kaya ako masayang masaya. Sabi ko at pilit na ngumiti. Kasi hindi ko naman pwedeng sabihin na fake lang na girlfriend ako ni zeus malamang mag tatanong pa sya.
Psh ewan sayo di ako convince pero sandali nga kailan pa naging kayo. Tanong nya, hayss ano namang palusot sasabihin ko.
A-ano nung ano nung isang araw lang oo nung isang araw lang. Palusot ko pero pinaningkitan lang nya ako ng mata.
Yung totoo athena boyfriend mo ba talaga sya bakit parang hindi ka sigurado sa mga sagot mo? Aniya. Yan na bakit kasi ang hirap umarte haysss.
Ok aamin na ako. Sabi ko dito at buti nalang nasa dulong part kami ng library at wala masyadong studyante dito.
Aamin? Takhang tanong nya.
Ang totoo nyan fake girlfriend lang ako ni zeus. Pabulong kong sabi kahit walang studyante sa gilid namin still kailangan ko parin mag ingat.
Huh? Pero diba ang sabi nya. Nalilitong sabi nya kaya nilagay ko ang daliri nya sa labi nya para manahimik ang ingay eh sabing aamin na ako e.
Wait lang ito na mag papaliwanag na ako pero mangako ka na kahit anong mangyare hindi mo ako huhusgahan ikaw lang ang kaibigan kong babae ashley. Sabi ko na agad naman nyang tinanguan at umaasa na hindi nya ako husgahan sana.
K-kasi ang totoo nyan yaya ako ni zeus kaya madalas kaming magkasama kailangan kong sundin ang utos nya dahil yaya nya ako at kaya nya yun sinabi para hindi na ako husgahan ng mga tao na kesho nilalandi ko si zeus na ako ang dahilan kung bakit sila nag break ni vanessa pero hindi, yaya nya lang talaga ako at yun lang ang koneksyon ko kay zeus. Paliwanag ko sa kanya na ngayon ay nakangagang tumatango.
Aaahhh pero bakit ka naging yaya ni zeus.? Tanong nya kaya sinabi ko dito ang dahilan kung pano ako naging yaya ni zeus.
Grabe sana sinabi mo agad sakin para natulungan kita at hindi mo na kailangan maging yaya nya. Aniya kaya medyo napangite ako akala ko magiiba ang tingin nya sakin pero hindi pala.
Ayos lang para matuto din ako na tumayo sa sarili kong mga paa na hindi ako umaasa sa iba, masaya na ako na hindi nag bago ang tingin mo sakin ashley natakot lang akong sabihin sayo baka layuan mo ako. Sagot ko dito at hinaplos nya ang buhok ko.
Hindi mangyayare yon kaibigan kita kaya kahit sino kapa tanggap kita. Nakangiteng sabi nya kaya hindi ko mapigilang yakapin sya kahit may lamesang nakaharang.
Anong drama meron dito? Biglang singit ng isang lalakeng matangkad at pamilyar ang lalakeng to ah.
Ang epal mo kuya bakit ka nandito? Magtatarget ka nanaman ng senior high students. Sabi ni ashley sa lalaking ito pero hindi nya to pinansin bagkus tumabi sakin.
Hi crazy girl ^0^ . Sambit nito habang malawak na nakangite. Aba ayos tong lalaking to ah sabihan pa ako ng crazy ano ako baliw.
Hindi ako baliw. Blangkong sagot ko at inaalala kung saan ko ba nakilala ang lalakeng to pamilyar kasi talaga ang mukha nya sakin eh.
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Teen Fiction"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...