Liza POV ( mother ni athena )
Liza. Tawag sakin ng matandang inaalagaan ko.
Bakit po madam? Sabi ko pagkalapit ko dito.
Ubos na kasi ang orange and apple ko ikuha mo ulit ako sa fridge. Sabi nito na agad ko namang sinunod.
Kaso pag punta ko sa kusina wala nang apple at orange akong nakita, paborito kasi ng matanda na kainin yun lalo na pag gusto nya ng may mangunguya at kung hindi naku yare mag tataray nayan sakin.
Naku madam! Wala na pong apple saka orange ibibili ko nalang po kayo. Sabi ko pagkalapit ko dito na agad namang sumimangot.
Bakit naman naubos, eh nung isang araw lang ibinili naman ako ni coleen ng apple at orange tapos ubos na ngayon. Pag tataray nito at tinutukoy ang anak nitong si ma'am coleen.
Madam, last week pa po bumili si ma'am coleen kaya naubos na po ngayon ang fruits nyo. Mahinanong sabi ko dito pero nanatili lang nakasimangot ang matandang ito.
Hindi!! Ibili mo ako agad. Nagugutom ako at yun lang ang gusto kong kainin. Pagtatas boses na sabi nya kaya sumunod na ako agad at baka ano pa magawa nun sakin. Haysss matanda na kasi kaya medyo super taray na..
Pagkalabas ay pumara agad ako ng taxi, buti may napadaan sa subdivision na ito kaya mabilis akong nakarating sa malapit na grocery store dito. Pagkapasok ay dumiretso agad ako sa stall ng mga prutas, kung tutuusin mas maganda pa ang mga prutas sa mga palengke di tulad dito na hindi fresh di gaya sa palengke na fresh na fresh.
Maglalakad na sana ako papuntang counter pero napahinto ako ng maramdaman kong may humawak ng braso ko at pag lingon ko dito.
Amanda!! Gulat na medyo mahinang sigaw nya pag kaharap ko sa babaeng kailan man hindi ko makakalimutan ang mukha si venus.
Ah hindi po amanda ang pangalan ko. Mahinanon na sabi ko, dahil kahit gulat ay kailangan kong maging kalmado na hindi sya kilala dahil hindi nya dapat malaman na buhay ako.
What! Don't you dare na magsinungaling pa sakin amanda, tumanda lang tayo pero hindi ako nakakalimot. Pagtataray nya sakin at hinila ako papunta sa pinaka dulong part ng store.
Aray nasasaktan po ako miss, sabing hindi ko po kayo kilala saka hindi amanda ang pangalan ko aray.. singhal ko dahil nasasaktan ako sa paghila nya dahil bumabaon na sa balat ko ang kuko nya, naku pasalamat ka dahil hindi kita pwedeng patulan ngayon, hintayin mo sa susunod na pagtutuos natin mang hihiram kana ng mukha sa aso.
Liar!!! Hindi mo ako maloloko, hindi bat patay kana!! bakit buhay na buhay ka!! bakit ka bumalik eh wala ka naman nang babalikan amanda!. Galit na sabi nito sakin pero nanatili lang akong parang walang alam. Walang babalikan? eh inagaw mo lahat ng akin. Kung hindi ka nang aagaw di sana may babalikan pa kami ng anak ko.
Miss, hindi ko po talaga alam ang sinasabi mo. Baka naman mag kamukha lang kami ng babaeng kaaway mo. Pwede kitang ipademanda sa ginagawa nyo hindi kita kilala pero sinasaktan nyo ako. Sabi ko dito at kunwaring sobrang naapektuhan sa mga pinag gagawa nya.
Excuse me po, may problema po ba dito. Ani ng isang security guard na lumapit samin.
Ito po kasi, bigla bigla nalang nanghahatak eh hindi ko naman kilala. Pagtuturo ko kay venus na nakatitig lang sakin ng masama.
Liar, kilala mo ako amanda ano ka nag ka amnesia. Nang gagalaiti nyang sabi at pinag duduro ako.
Ma'am mali po yang ginagawa nyo, nag iiskandalo ho kayo dito sa grocery store bawal po yan dito. Paghaharang dito ng security guard at inilayo sakin si venus.
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Teen Fiction"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...