Jacob POV
Guys, kailangan natin pumunta sa bahay nina athena.. sambit ko..
Huh? para saan?? sagot ni ashley..
Remember, sabi ni athena,. tignan tignan natin yung mama nya. sabi ko at tumango ito..
Gisingin nyo na si tristan para makaalis na tayo.. sabi ko pa pagka lapag ng kapeng tinimpla samin ni ashley, infairness masarap syang mag timpla..
Hoy tristan!!! gumising ka muna dyan mamaya kana matulog may pupuntahan pa tayo.. katok ni ashley sa kwarto na pinasukan ni tristan..
What! matulog muna tayo.. bukas nalang yang pupuntahan natin.. inaantok na ako eh. papungas pungas pang sabi ni tristan ng lumabas ito ng kwarto..
Hindi pwede, kailan natin makausap yung mama ni athena malamang umiiyak yun ngayon.. sabi ko dito ..
Eh pano kung katulad lang sya ni tita venus, ikaw naman mag pasampal ah.. sarcastic na sabi nito bago pumunta ng banyo. mag hihilamos siguro .
Almost 1 am narin pala,. pero hindi parin kami natutulog.. nag aalala kasi ako sa mama ni athena baka kung ano nang ginawa nya..
Lets go.. ani ni tristan pagkalabas ng banyo kaya tumayo narin kami ni ashley sa kinauupuan namin..
Wait iiwan nyo ako? pahabol naman ni arvie .
Kung gusto mong sumama, sumama ka! dami mo pang dada eh. sagot sa kanya tristan.. kaya napailing nalang ako.. ang init ng ulo tsk..
****
pagdating namin ay nadatnan naming tahimik ang bahay walang mga barangay tanod o pulis na nakapalibot incase na baka nag pa blotter na yung mama ni athena..
Nandyan kaya?? ani ni ashley..
Pasukin nalang natin nakabukas naman ang pinto eh.. ani ko ng mapansin kong bukas ang pinto ng kaunti. kaya naglakad na kami palapit dun..
Tao po! tita.. sambit ko habang dahan dahang binubuksan ang pinto pero walang sagot kaming narinig. hanggang sa tuluyan na kaming nakapasok na apat at nakita namin ang mama ni athena nakaupo sa may upuan sa kusina at tulala...
Tita liza.. ani ni ashley kaya naagaw nito ang atensyon ng mama ni athena..
Sino kayo? nalungkot na sabi nito samin.. walang galet kaming nakikita sa mga mata nito kundi kalungkutan..
Ah tita kami po ang mga kaibigan ni athena at zeus . ani pa ni ashley, at pare pareho kaming nagulat ng umiyak ito bigla .
Tita, sorry po.. ani ko.. hindi ko alam pero kailangan naming mag sorry.. dahil sa ginawa namin may isang ina na nangungulila sa anak nya..
Nasaan ang anak ko.. umiiyak na sabi nito..
kaya humarap ako kay ashley at tristan kung sasabihin ba namin ang totoo,. pero nag tataka ako, ng tumingin na ako kay tristan.. tulala kasi sya na akala mo nakakita ng multo .Tristan.. siko ko dito na mukang nag pabalik sa ulirat nya.. pero imbis na sagutin ako iba ang sinabi nya..
M-mama A-amanda.. aniya ng titig na titig parin sa mama ni athena..
mama amanda?
Anong pinag sasabi mo dyan tristan.. sambit ni ashley at siniko si tristan, at napansin ko na parang napitigil si tita liza ng marinig nya yung sinabi ni tristan..
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Teen Fiction"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...