Chapter 5 ( Yaya Agnes )

2.1K 123 8
                                    

ZEUS FALCON POV

"Oh anong nangyare sayo zeus" tanong ni yaya agnes pag pasok ko ng apartment.

"Sinapak lang naman ako ng isang baliw" sagot ko pagkaupo sa sofa.

"Baliw? sino namang baliw yung dyan sa kanto" takang tanong ni yaya at inabutan ako ng malamig na tubig.

"Hindi isang babaeng baliw na warfreak yaya" sagot ko at ininom ang tubig na binigay nito.

Sya si yaya agnes sya na ang yaya ko since bata pa ako. Wala syang anak at hiwalay na sa asawa 5 years ago nalaman kasing baog si yaya kaya iniwan at sumama sa iba kaya itinuon nalang ni yaya ang sarili sa pag aalaga sakin saka para ko na itong ina sa twing Kailangan ng parents sa school sya ang pinapapunta ko dahil wala akong aasahan sa mga magulang ko masyadong workaholic masyadong nag papayaman at kaya nasa apartment ako nakatira ayoko sa bahay dahil nakakasama ko dun sa bahay ang step brother ko ma's matanda sya sakin pero never syang naging nice samin ng nanay ko ewan ko kung anong problema nun di parin siguro tanggap na bago na ang pamilya ni dad na kami na ang bago nyang pamilya ang sabi kasi namatay na daw ang dating asawa ni dad which is mom ng step brother ko at since bata ako never kaming nag ka sundo lagi nya akong inaaway lagi din naman akong kinakampihan ni dad kaso isa lang ang ayaw ko sa tatay ko madalas nya akong ipagkumpara sa step brother ko na kesho matalino daw matataas ang grades maraming award eh nung elementary nga ako twing bibigyan ako ng award pumupunta ba sya? hindi nga eh laging si yaya ang nag sasabit sakin ng medal kaya simula nuon hindi na ako nag aral ng mabuti para saan pa nakikita ba nila yun kung puro trabaho lang ang nakikita nila.

"Ah nga pala anak" tawag sakin ni yaya at tumabi sakin dito sa sofa.

"Ano po yun ya" tanong ko habang nakalagay sa mata ko ang icebag.

"Ano kasi zeus" panimula ni yaya na halatang nahihirapan kung sasabihin ba o hindi.

"Tell me ya. Need mo ba ng pera" tanong ko

"Hindi alam mo naman na malaki na ang ipon ko ang akin lang kasi eh anak, babalik na ako sa bicol matagal tagal narin kasi ng huli akong umuwi ruon bata ka pa noon eh binata kana ngayon zeus" paliwanag ni yaya

"Ah yun lang pala ya eh oo naman kailan ka ba aalis and ilang days ka dun" tanong ko

"Yun nga ang problema zeus hindi na ako babalik" sabi nito kaya napatigil ako. Hindi na babalik ibig sabihin iiwan na ako ni yaya.

"Anong hindi na babalik ya iiwan nyo na ako" malungkot kong sabi parang ang hirap kasi ilang taon ko na kasama si yaya pano na pag umalis na sya pano na ako sino na mag aasikaso sakin magluluto maglalaba mag lilinis ng apartment.

"Anak malaki kana matuto ka nang tumayo sa sarili mong mga paa para pag dating ng araw kaya mo na saka kita mo naman ako eh tumatanda na kaya gusto ko lang I enjoy ang natitira kong oras sa mundo gusto ko pumunta sa ibat ibang lugar gumawa ng masasayang alaala bago ako umalis sa mundo" paliwanag ni yaya kaya nag taka ako di kaya may sakit si yaya.

"May sakit ka ya" malungkot kong sabi.

"Ay nahayeng na bata to wala akong sakit ang sabi ko tumatanda na ako at gusto ko ienjoy ang mga sandali sa buhay ko" sabi nito at mukang wala na ako magagawa kung sabagay ilang taon na ako inaalagaan ni yaya 3 years old palang ako yaya ko na sya ilang taon na ako ngayon 18.

"Mukang di na nga kita mapipigil ya pero lagi kang mag ingat ah wag mo pababayaan sarili mo kung need mo ng tulong tawagan mo lang ako ok" sabi ko at niyakap si yaya agnes.

"Ito namang batang to syempre naman nuh" sagot nito na teary eyed na.

"So kailan ang alis nyo yaya" tanong ko para makapag handa ako sa pag alis nya.

Ngayon na sagot ni yaya kaya gulat akong napatingin sa kanya agad agad (0.0)

"Ngayon na agad ya!! di naman kayo nag mamadali nyan ah"

"Oo nga ayun oh naka impake na nga ako saka wag kang mag alala nakapag paalam na ako sa daddy mo pumayag na sya" sabi nya at itinuro ang bagaheng nasa gilid ng pinto.

"Di naman halata ya na pinag handaan nyo ah kaya pala nakapang alis kayo" sarcastic kong sabi.

"Di ka naman nasanay sa yaya mo laging handa. Kaya mo nayan anak ah nilutuan narin kita ng pang hapunan mo yung paborito mo saka dadalawin parin kita dito" sabi nito at kinuha na ang mga bagahe nya.

"Tulungan na kita ya saan ba kita ihahatid" sabi ko at kinuha ang maleta nya.

"Hindi na zeus yung pamangkin ko nandyan sya ang makakasama ko pauwi sa bicol" sagot ni yaya at pinakuha na sa pamangkin nya ang mga bagahe.

"Paalam anak hanggang sa muling pag kikita natin sana wag kang mag babago" sabi pa nito pagkasakay sa taxi at umandar na papalayo kaya pumasok na ako sa loob.

Ngayon mag isa nalang ako kaya ko naman yata to,  hindi yata pero kaya ko to ma's masaya nga ang mag isa lahat magagawa mo kaso nakakamiss parin pag may nambabawal sayo.








To be continued.....


A/N.  Thanks for reading my story don't forget to vote and comment thank you :)

I'm His Yaya COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon