Athena POV
Sakay na. Sambit ni zeus pagkasampa sa motor nito. Papasok na kami sa school pero kadalasan kasi nauuna na sya kasi may motor sya eh ako nag j-jeep pa.
Seryoso ka? Pagsisigurado ko kasi mamaya trip lang eh, yung tipong sasampa na ako tapos bigla nyang patatakbuhin ng mabilis yung motor.
Muka ba akong nag jojoke ok kung ayaw mo edi wag. Sagot nya at inistart na yung motor.
Hindi ah sasabay na ako makakalibre pa ako ng pamasahe. Nakangiteng sabi ko then umangkas na. Yieeee excited na ako gustong gusto ko talagang matry umangkas ng motor or mag patakbo ng motor parang ang sarap lang sa pakiramdam para kang nakikipag race pag ganon.
Take this. Abot nya sakin ng blazer anong gagawin ko dito?
Anong gagwin ko dito? Tanong ko sa kanya pagkakuha ng jacket.
Malamang ipangtatakip mo dyan, gusto mo makitaan ka maawa ka sa mga mata ng makakakita. Sarcastic nyang sabi at tinuro ang palda ko oo nga pala baka hanginin saka grabe naman sa makakakita, ako talaga maawa sama.
Grabe sya naka short naman ako. Sabi ko at ipinatong na yung jacket na binigay nya sa palda ko.
Ito pa. Aniya at inabot naman sakin yung helmet naka suot napala sya ng helmet. Pero hindi naman to yung helmet na buong ulo mo matatakpan pati mukha yung pang ulo lang talaga tapos yung mukha hindi natatakpan.
Kailangan pa to? Hindi naman malayo ang school ah. Ani ko dahil hindi ko mafefeel yung hangin. yun nga ang pinaka gusto ko eh yung nililipad yung buhok mo para kang lumilipad ^^
Alam mo ang dami mong side comment malalate pa tayo sa ginagawa mo eh. Inis nyang sabi kaya nag sorry ako at ziniper kuno ang bibig ko.
Humawak ka sa balikat ko. Aniya kaya hindi na ako sumagot humawak nalang ako sa balikat nya kahit naiilang ako, hindi ko nga alam kung bakit naiilang ako eh, lalo na nung paghawak ko sa balikat nya para akong nakuryente.
Medyo nawala na ang pag kailang ko nung umandar na yung motor, para nga akong ewan eh kasi ngiteng ngite ako habang bumabyahe kami ang saya ang sarap talaga sumakay sa motor sana next time isabay nya ulit ako.
Para kang ewan. Aniya pagkadating namin ng school.
Eh kasi ngayon lang ako nakasakay ng motor eh, kaya ang saya sa pakiramdam. Nahihiyang sabi ko habang tinatanggal ang helmet pero ano bang meron sa helmet nato bakit ayaw matangal..
May balak kabang sirain ang helmet ko. Aniya at masamang nakatingin sakin. Eh sa hindi ko matangal eh.
K-kasi zeus bat ayaw matangal kinabit ko naman sya ng maayos kanina eh. Sabi ko at pilit parin tinatangal ang helmet pero ayaw gusto atang sa ulo ko nalang tumira.
Psh! Mali kasi pagkakabit gusto mo atang sirain eh. Aniya at lumapit sakin para tanggalin yung helmet.
Yan nanaman naiilang nanaman ako iniwas ko na ngalang ang tingin ko sa kanya kasi sobrang lapit nya sa mukha ko.
Sa susunod mag sabi ka kung hindi mo alam ang isang bagay kaya nga tayo may bibig diba. Aniya pagka tanggal ng helmet..
Oo sorry, saka salamat dahil sinabay mo ako. Nakayukong sabi ko, nahihiya naiilang ay ewan bakit kasi parang hindi ko kayang tumingin sa mga mata nya.
Pumasok na tayo. Tanging sagot nya then nauna ng maglakad.
Bakit ganun? Bakit kumakabog ng mabilis ang dibdib ko bakit parehas sa twing nakikita ko si jacob bakit?
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Teen Fiction"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...