ATHENA POV
"Hoy pipe natutulog kaba" biglang sabi ni falcon habang nakapikit ako at inaalala ang nakaraan. Paki ba nya kung matulog ako eh sa ayoko makita pag mumukha nya. saka ayos ng matulog ng limang oras kesa mabwisit sa pagmumuka nya ng limang oras.Hindi ko sya sinagot at nanatiling nakapikit. Wala si girly bumalik ata sa building or may binili kaya pinakikiramdaman ko ang mokong nato kung may gagawing di kanais nais.
Naramdaman kong parang may malapit sa muka ko ng buksan ko ang mata ko agad akong napa atras ng makita ko sa harap si zeus bakit ba ang hilig nyang ilapit ang muka nya sakin.
"Ah eh tinitignan lang kita kung tulog ka ba talaga, mamaya nag tutulog tulugan kalang eh" sabi nya ng tignan ko sya ng masama, pagkalayo sakin.
"Ang lakas mo kasi sumapak siguro tatahitahimik kalang pero assassin ka siguro nuh" dagdag pa nya pagkaupo sa kabilang side ng DR.
"Hindi ako mamamatay tao" sagot ko sa kanya gusto kong tumawa ng sabihin nya yun para kasing bata assassin pa ang napili..
Magsasalita pa sana ito kaso may tumawag sa kanya ng BABE pagtingin ko si vanessa papalapit sa kinalalagyan namin.
"Anong ginagawa mo dito may klase pa kayo diba" sabi ni falcon pagkalapit ni vanessa.
"Kakalabas lang ng teacher namin kaya nakalabas ako ikaw are you ok t-tignan mo oh ang laki ng black eye mo" sabi ni vanessa at naawang hinaplos ang pagmumuka ni falcon.
"Ikaw babae ka anong trip mo gusto mo bang sumikat kaya sinapak mo ng walang dahilan si zeus. ayan sikat kana masaya kana" dagdag pa nya at sinigawan ako. Gusto ko sana sagutin sya kaso ano pang saysay ang taas taas ng pride ng babaeng yan hindi nagpapatalo kahit mali sya kaya imbis na sagutin pumasok nalang ako sa pinaka loob ng DR.
"Aba bastos ka ah" sigaw pa nito pero bigla syang sinaway ni falcon.
"Babe enough may ginawa ako sa kanyang di maganda that's why gumanti sya" paliwanag ni falcon tsk buti naman umamin na ang lokong to.
"What eh ano naman yun" taas kilay nitong tanong.
"Nagyoyosi ako sa male cr, bigla syang pumasok kaya baka magsumbong kasi sya kaya binalaan ko sya..
binugahan ko sya ng usok sa bibig" paliwanag nya at ano daw bigla? eh kung biglain ko kaya ang muka nito ng sapak."May humahabol sakin nun" singit ko sa dalawa kaya napunta sakin ang atensyon nila.
"Bakit sa dami mong papasukang banyo bakit sa male cr pa" nakataas kilay na sabi ni vanessa.
"Eh sa yun ang una kong nakita eh" sagot ko at yumuko nalang kesa makipag satsatan sa dalawang to tsk nonsense.
"Ikaw naman kasi eh! diba sabi ko huwag kana mag yoyosi" Palo nito kay falcon.
"Eh ano bang magagawa ko nasanay na bibig ko dun" iritang sagot ni falcon.
"So mag bago ka kahit for me lang naman diba" taray naman nito.
I'll try tanging sabi ni falcon at dumating na si girly.
"Aba ano yan bawal pumunta dito diba" taray ni girly pagkalapit kaya no choice si vanessa kundi umalis.
Ang sabi nila pag masama kang tao mag babago ka para sa taong mahal mo. eh ano tong si falcon walang balak mag bago eh almost 2 year na silang mag on ni vanessa.
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Teen Fiction"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...