Chapter 43 ( Paglayo )

968 43 3
                                    

Athena POV

Sure kaba tristan na walang bantay ngayon si zeus?. ani ni jacob habang nag lalakad kami dito sa hallway ng hospital papunta sa kwarto kung nasaan si zeus..

Wala nga, dahil may meeting si dad while si tita venus lumayas nanaman and  i dont know kung saan pumunta.. sagot sa kanya ni kuya tristan. samantalang tahimik lang akong nag lalakad,. dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko pag nakita ko na sya.. nasasaktan parin ako sa katotohanang kapatid ko pala sya.. ang hirap, sobrang hirap tanggapin pero mali naman kung ipag papatuloy namin ang relasyon namin na bawal..

Nandito na tayo.. ani ni kuya tristan pagkahinto namin sa room 301.

Athena ok ka lang ba?. nag aalalang sabi ni ashley kaya ngumiti ako dito na kahit peke ay kailangan kong mag pakatapang..

Ayos lang ako, gusto ko lang talaga sya makita.. ani ko at ako na ang nagbukas ng pinto..

pero nag tataka akong napatingin sa kanila ng ako lang mag isa ang pumasok sa loob ng kwarto..

Dito nalang muna kami, hihintayin ka namin dito sa labas.. ani ni kuya tristan na tinanguan ko naman kaya isinara ko na yung pinto..

Zeus,. mahinang sambit ko habang hinahaplos ang mga mukha nyang, kasalukuyang natutulog..

Ayos naba ang pakiramdam mo.. ani ko pa at muli nanamang umiyak.. kahit anong pigil ko hindi ko kaya,. hindi ko kayang pigilin! sobrang sakit! ang sakit sakit.

Zeus!! sorry!! sorry zeus.. sorry pero kailangan na natin putulin ang ugnayan natin.. sorry pero kailangan ko ng lumayo, sorry pero kailangan ko ng sumuko, sorry kung napaglaruan tayo ng tadhana.. mahal kita zeus pero hindi pwede dahil mag kapatid tayo..

Mahal na mahal kita,.. bathalang ibon, boyfie ko.. ani ko at sa huling pagkakataon ay hinalikan ko sya sa mga labi.. huling pagkakataon na makikita kita huling pagkakataon na masasabi kong mahal kita..

Pagkahalik ko sa kanya ay tumalikod na ako para umalis, dahil ito ang tamang gawin pero napatigil ako ng mag salita ito..

S-sino ka?. aniya na mukang nagising sa pagkakatulog..

at pagkarinig ko palang ng boses nya para na akong nanigas, at hindi ko alam kung anong gagawin ko kung haharap ba ako sa kanya. pero natatakot ako na baka pag harap ko pigilan nya ako sa paglayo..

Sino ka?. pag uulit nya,. kaya lakas loob na humarap na ako dito..

K-kaibigan ba kita? aniya pagkakita sakin..

kaibigan??

Huh? ani ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.. bakit kaibigan? nagbibiro nanaman ba sya..

Mukang pasyente kadin dito? pero bakit ka nasa kwarto ko?  aniya kaya tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko.. anong nangyayare? bakit? bakit parang hindi nya ako kilala..

Ze-----... hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may pumasok na sa kwartong ito.

Babe!!.. ani nito pagkapasok, si vanessa..

Anong ginagawa mo dito!!.. galit na sabi nya pagkakita sakin..

Lumayas kana dito umalis ka dito.. aniya pa at hinila ako palabas pero nag pumiglas ako. may kailangan akong siguraduhin..

Saglit!! anong pangalan mo?. pigil sakin ni zeus.. bakit ganun hindi nya ako kilala ni pangalan ko hindi nya alam..

Babe! hindi mo sya kilala, hindi natin kilala ang babaeng to,. kaya ikaw wag kang basta basta pumapasok sa kwarto ng ibang pasyente.. galit na sabi sakin ni vanessa at tuluyan ng napalabas ako ng kwarto at malakas na isinara nito ang pinto..

I'm His Yaya COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon