Chapter 18 ( night swimming )

1.5K 77 15
                                    

Athena POV

Nilalandi mo ba si zeus!! Bungad sakin ni steff pagkapasok ko ng cr.

Anong sinasabi mo? Sabi ko dito at didiretso sana sa pinaka dulong lababo ng hawakan ni steff ang braso ko.

Ayoko sa lahat yung tinatalikuran ako pagkinakausap ko. Aniya at hinigpitan ang hawak sa braso ko kaya yung kuko nya dumidiin sa balat ko.

Sabihin mo na kasi, kunwari kapang inaaway si zeus pero way mo lang yun diba para mapalapit sa kanya. Taray naman sakin ng isa sa mga kaibigan ni steff.

Ano bang pinag sasabi nyo hindi ko nilalandi si zeus. Sagot ko sa kanila bakit ko naman kasi lalandiin si zeus una hindi ako marunong manlandi ng lalake pangalawa si jacob ang crush ko hindi si zeus.

Dapat lang dahil sakin lang si zeus kuha mo! Sabi ni steff at tinarayan ako, psh feelingera bakit boyfriend nya ba si zeus para maging pag aari nya to.

Oo. Maikling sagot ko then binitawan na nya ang braso ko. Pesteng babae to nagkamarka tuloy yung kuko nya sa braso ko.

Lets go girls. Aniya at lumabas na kasama ang mga alipores nya este kaibigan.





Saan kaba nangaling ang tagal mo kanina pa ako naghihintay. Bungad sakin ni zeus pagkadating ko dito sa rooftop at kinuha ang mga binili ko sa canteen.

Dumaan lang ako saglit sa CR. Sabi ko dito at dumungaw sa ibaba ng rooftop, ewan ko ba kasi sa lalakeng to bakit dito pa napiling kumain ang lawak lawak naman ng canteen at grabe magpapakabusog pa sya ngayon? dahil ang dami ng pinabili nyang pagkain sakin.

Sige na bababa na ako may iiutos kapaba? Sabi ko dito pero kunot noo lang syang tumingin sakin.

At saan ka pupunta? Aniya at itinaas pa ang isang kilay, taraaaay siguro bakla to si zeus or silais hilig nya manaray eh.

Sa canteen malamang bakit ikaw lang pwede magutom. Sarcastic kong sagot dito. Hindi na ako takot na barahin sya kasi magaan na ang loob ko sa kanya at alam ko ganun din sya sakin magkaibigan na kami eh ^^

Duh! Nakikita mo ba to! do you think kaya ko tong ubusin hindi ako masiba. Aniya at itinuro ang mga pagkaing nakahain sa lapag malinis naman ang lapag ng rooftop kaya walang problema.

Hati tayo dyan? Paninigurado ko pero hinila nya lang ako paupo kaharap ng pwesto nya at inabutan ako ng carbonara.

Kumain kanalang dami mong side comment. Aniya at nag umpisa ng kumain kaya syempre kumain na ako masarap kaya ang libre hahaha atleast hindi ko na magagalaw ang pera ko.

Tahimik lang kaming kumakain walang gustong magsalita pero maya maya lang bigla itong nagsalita.

Anong nangyare dyan? Tanong nya at nakatingin sa braso ko na may bakat ng kuko.

Huh? Wala yan. Sagot ko dito at pinilit ibaba yung mangas ko kaso ayaw eh wag pilitin masasaktan ka lang.

Nakipag away ka nanaman, hindi kanaman siguro baliw para sugatan ang sarili mo diba. Aniya maka NANAMAN naman ito sya nga tong mahilig sa away saka ang dami nyang tanong hindi nalang kumain.

Napagtripan ko lang to wag mo ng intindihin kumain kanalang dyan.  Sabi ko at hindi na sya pinansin ano bang nangyayare sa kanya at parang napaka bigdeal ng sugat ko na to.

Sino nga!! Pagpipilit nya grabe ang kulit nya bakit hindi ba sya maka move on.

Si steff akala nya kasi nilalandi kita eh hindi naman, saka sabi nya sa kanya ka lang daw. Sagot ko para manahimik na sya kulit eh hindi tuloy ako makakain ng maayos.

I'm His Yaya COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon