Annaliza POV
Sorry anak, sorryyyyy...... sambit ko habang lihim na umiiyak dito sa loob ng kwarto.. ayoko kasing makita ni athena na umiiyak ako dahil tiyak na mag tatanong iyon ng dahilan at isa pang rason kung bakit ko pinaalis si zeus.
bakit kasi kailangan mapaglaruan pa sila ng tadhana bakit? bakit nangyayare ang mga to sa buhay namin ng anak ko..
Flashback
Oh anak ang bilis nyo naman ata.. sambit ko ng marinig kong bumukas ang pinto.. nandito kasi ako sa loob ng kusina at nang labasin ko hindi si athena ang nakita ko.
Anong ginagawa mo dito. sambit ko habang nag tatakang nakatingin sa kanya.
Kailangan natin mag usap.. malumanay na sabi nya. kaya naman itinuro ko ang upuan at ikinuha sya ng maiinom..
Ano naman ang pag uusapan natin ado?. pag uumpisa ko.
Alam mo na may relasyon sina athena at zeus. pag uumpisa nya pagka inom ng juice.
Huh? Oo naman, saglit kilala mo si zeus. nagtatakang sabi ko dito.. pano naman nya nakilala si zues.
Bakit mo hinayaan na mag karoon sila ng relasyon. seryosong sabi nya.. ano naman kung nag karoon ng relasyon sina zeus at athena. hindi naman masamang tao si zeus.
Wala akong nakikitang problema kay zeus. mabait syang bata at mahal na mahal nya ang anak ko. paliwanag ko dito.
May problema amanda! dahil si zeus anak ni manuel at venus.. diretsong sagot nya kaya tila nabingi ako sa narinig ko.
A-anong sabi mo.. ani ko at pilit pinapakalma ang loob ko sa mga malalaman ko.
Akala ko hindi mauuwi sa ganto ang lahat kaya hinayaan ko, dahil alam kong mag kapatid sila kaya magiging maayos para sakanila na magkakilala pa ng lubos pero yung mag karoon sila ng relasyon, hindi iyon pwede amanda, bawal sa batas at mali sa paningin ng diyos ang pagkakaroon ng relasyon ng mag kapatid. paliwanag nya.. na lalong nag pagulo sa isipan ko! ano bang nangyayare pano? panong nangyare ang lahat na to.
Hindi ko maintindihan! alam mo? alam mo na magkakilala sila alam mo na anak ko si athena! alam mo na anak ni manuel si zeus! alam mo na magkapatid sila!! pero bakit ado!? bakit hindi mo sinabi sakin.!! galit na sabi ko.. bakit kasi kailangan nyang nilihim sakin bakit kasi hindi nya sinabi sakin..
Oo, nagkamali ako sa nagawa ko.. hindi ko na sinabi sayo kasi alam ko ilalayo mo ulit si athena pero, nagbago ang isip ko, lalo na ng makita kong nag iiba si zeus pagkasama si athena dahil narin sa lukso ng dugo dahil mag kapatid sila pero hindi ko naman akalain na aabot sa ganto amanda, at kailan ko lang nalaman ng marinig kong nag tatalo ang mag ina.. aniya at napayuko.. bakit ganto? bakit kahit anong layo namin pilit na pinag lalapit parin kami ng tadhana.. at bakit sa anak ko pa nangyare ang ganto bakit kay athena pa..
A-anong gagawin ko ado!! anong gagawin ko... naluluha kong sabi.. dahil tyak na masasaktan ang anak ko nito, kita ko kung gano nya kamahal si zeus pero hindi naman ako papayag na malapit ang anak ko sa buhay ng mga falcon, ayokong maulit sa kanya ang nangyare sakin nuon.. lalo na ngayong mag kapatid pala sila ni zeus hindi pwede to..
Magpakalayo layo ulit kayo! mag punta kayo ni athena sa lugar na malayo sa pamilya nila, lalo na ngayon ibang iba na mag isip si venus hindi na sya nalalayo kay donya barbara.. suhestiyon nito.. lalayo? ulit tatakbo nanaman ulit? pero para sa kaligtasan muli namin ng anak ko ilalayo ko sya.
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Teen Fiction"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...