Annaliza tuazon POV
(mother ni athena)Ate liza! Gulat na sabi ng babaeng nurse ng makasalubong ko sya dito sa hallway ng ospital.
Huh? Nagtatakang sabi ko habang inaalala ang mukha nung babae dahil pamilyar ito.
Ate annaliza! ako to si carmina. Aniya at pagkabangit nya ng pangalan duon ko na naalala ang lahat.
Carmina ikaw pala kamusta kana. Ani ko at niyakap sya at ganun din sya.
Ayos lang ako ikaw kamusta kana si nana kamusta na. Aniya at naupo kami bench na nasa gilid ng hallway.
Ayos naman sya dalagang dalaga na grabe ang laki ng pinagbago mo tignan mo isa kanang nurse ngayon. Ani ko at hinawakan ang mukha nya, si carmina ang anak ng dati kong inaalagaan na matanda nuon. Ang pamilya nila ang nagkupkop samin ni athena kaya laking pasalamat ko sa pamilya nila at ng mamatay ang nanay nito ay iniwanan nya ako ng malaking halaga para makapag umpisa ng panibagong buhay dahil bata pa nuon si athena.
Namimiss ko na si nana ate liza hahaha namiss ko na rin yung batang yun. Aniya dahil nuon habang inaalagaan ko ang nanay nya ay siya ang nag lalaro kay athena nuong 4 na taong gulang palang ito.
Naku dalaga na kaso wala pang boyfriend ewan ko nga dun sa batang yun eh ayaw mag boyfriend. Natatawang sabi ko dahil iba ako sa ibang ina gusto kong mag enjoy ang anak ko sa pagkadalaga ayaw ko syang higpitan dahil dumaan din ako sa pagkadalaga at ramdam ko ang hirap ng buhay na ayaw kong iparanas sa anak ko.
Grabe ate ibang klase kayo ah! Yung iba ngang nanay dyan ayaw pag boyfriendin ang anak pero kayo ok lang. Natatawang naiiling na sabi nito.
Naku carmina may tiwala naman ako sa anak ko saka gusto ko lang na maenjoy nya ang pagkadalaga nya. Paliwanag ko.
Sabagay nung buhay pa si mommy halos lahat ng galaw ko kontrolado nya pero nung nawala na sya saka ko lang naramdaman ang pagiging malaya yung pwede ko ng gawin ang gusto ko si daddy naman kasi naka suffort lang yun sakin lagi. Aniya ng nalangite habang inaalala ang nakaraan. Sobrang laki ng utang na loob ko sa pamilyang ito dahil sa kanila naligtas kami ng anak ko.
Flashback
Mamah k-kailan po ba uuwi si manuel ang sabi nya po kasi sakin tatlong araw lang siya sa london. Sambit ko sa biyanan kong babae, dahil nangako sakin si manuel na tatlong araw lang siya sa london para sa pakikipag negosasyon pero pang limang araw na pero wala parin sya
Huhuhuhu a-amanda huhuhuhu si manuel huhuhuhu. Nagulat ako ng bigla itong humagulgol ng iyak at napaupo sa lapag.
Mamah b-bakit po? Nagaalalang sabi ko dahil kinakabahan narin ako
W-wala na si manuel amanda wala na sya. Aniya at humagulgol ulit sa pagiyak. Kaya parang sinasaksak ang puso ko sa narinig ko.
A-anong ibig nyong sabihin mamah. Naluluhang sabi ko at ayaw pumasok sa isip ko ang kaniyang sinabi.
Patay na si manuel! Pauwi na sya dito sa pilipinas ng sumabog ang eroplanong sinasakyan nito. Umiiyak niyang paliwanag kaya hindi ko na rin napigilan ang mapa iyak hindi pwede! hindi pwede mawala si manuel nangako siya sakin! nangako siya na hindi niya ako iiwan kaya hindi yun totoo hindi totoong patay na si manuel.
H-hindi mamah hindi pa patay si manuel. Sigaw ko at tumakbo papunta sa kwarto namin ni manuel. Hindi pwede papano na ang magiging anak namin papano na ang batang pinabubuntis ko tiyak ako na masisiyahan siya pag nalaman nyang nag dadalang tao ako dahil ilang taon na namin itong pinangarap at pinagdasal sa diyos at ngayong binigay na samin ang aming hiling ngayon siya naman ang nawala kaya hindi pwede hindi pwede... panaginip lang ang lahat hindi to totoo buhay pa si manuel.
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Novela Juvenil"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...