Chapter 6 ( Trabaho )

2.3K 116 10
                                    


ATHENA POV

Pag uwi ko sa bahay ay agad kong nakita si mama na nag babalot ng ulam na paninda marahil natira iyon sa mga paninda. May maliit kasi kaming kainan dito sa bahay at marami naman bumibili samin at kadalasan mga trabahador ng construction worker dahil may bahay na ginagawa di kalayuan samin kaso simula ng may lumaban na sa negosyo namin ay unti unting humina ang kainan namin dahil di hamak na ma's malaki ang kainan ng kalaban at makulay pero ma's panalo parin naman ang luto ng mama ko nuh.

"Nandito na po ako" sabi ko dahilan para mapansin ako ni mama na umuwi na.

"Oh anak nandyan kana pala kumain kana ng hapunan nakahain na ang pagkain mo sa lamesa" sagot nito at pinagpatuloy ang pagbabalot ng ulam.

"Ano pong gagawin nyo dyan ma" tanong ko na kahit alam ko na ang sagot. ibibigay sa mga nakatira sa lansangan sa mga pamilyang walang makain.

"Ah ibibigay ko ulit dyan sa mga bata at matandang walang makain anak para atlis nakatulong narin tayong mabusog sila" nakangiteng sabi ni mama at inilagay na sa tray ang mga nabalot na ulam at kanin.

"Hayaan mo ma babalik ulit satin ang mga customer natin babagsak din ang nasa kabila" sabi ko para kahit papano lakasan ng loob si mama.

"Anak wag ganun dapat hindi ka nag sasalita ng ganyan sa kapwa mo pano ka bibiyayaan ng diyos kung ganyan ang iniisip mo dapat ay tumanggap ka at matutong mag bigay sa nakakababa sayo" sagot ng mama ko. Hay ganyan si mama napaka bait kaya swerte ako dyan eh.

"Opo sige mama samahan na kita" at lumabas na kami ni mama at pumunta ng kanto.







"Athena anak........ mukang Kailangan ko ng isara ang kainan" sabi ni mama habang kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan.

"Pero ma duon natin kinukuha ang pang gastos natin" mahinang sabi ko.

"Humihina na ang negosyo natin anak eh siguro maghahanap na muna ako ng trabaho" paliwanag ni mama na ikinalungkot ko.

Pero ma... naputol na ang sasabihin ko ng magsalita si mama.

"Kaya natin to anak ah. bilisan mo na kumain magpapahinga na si mama" sabi nito at tumayo na. Bago ito umalis ay hinalikan muna ako nito sa noo at tuluyan ng umakyat sa kwarto nya at ako naiwang nakatulala.

Kakayanin kaya namin.?


****

Pano kung patigilin ako ni mama sa pag aaral pano kung hindi sya makahanap ng trabaho pano kung makahanap nga sya kulang naman ang pang gastos namin sama mo pa yung darating na exam namin whaaaaaaa T^T ano bang klaseng kamalasan to buseet kasalanan to ng epal na mangaagaw na customer na kainan yun eh..

"Miss naka go na yung stop light.!!

pano ba gagawin ko? Pabagsakin ko kaya yung epal na kainan nayun kung lagyan ko kaya ng mga daga ang pwesto nila or ipis ano kaya......

"Araaaaayyy" sigaw ko ng mahigpit akong hilahin ng nilalang na hindi ko kilala sino ba to..

"Ano bang problema mo! Bat nang hihila ka ng braso pake mo ba sa braso ko wala kaba nun ah!!" Sigaw ko sa lalakeng kaharap ko.

"Grabe naman ikaw na nga tong niligtas ikaw pa galit" kunot noo nitong sagot. At aba niligtas bakit ano ba meron may babaril ba sakin may magnanakaw na dadaan masasagasaan ba ako aba galing nito ah..

I'm His Yaya COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon