Zeus POV
Sa pag iisip isip ko, kung bakit nang yayare ang lahat ng to sakin, ay hindi ko alam kung nasaan na akon? basta ang alam ko lang, nasa lugar ako na maraming tao, maingay at masayang kumakain sa mga food stall na nag dadamihan.. muka syang nigh market..
Hey young man! wann try this new dish! its so very delicious,. pag aalok sakin ng isang lalakeng tindero ng ibat ibang klase ng pasta, pero may nakita ako pinoy style, pinoy kaya sya, mukang hindi eh..
Ah no, thank you. pag tangi ko, dahil wala naman akong gana kumain ang gusto ko lang makapag isip isip ng maayos..
Ah ok.. aniya at may pahabol pa na bulong "Sayang specialty ko panaman to ngayon" . Na mukang pilipino sya..
Pinoy po pala kayo. sabi ko dito..
Oh! pinoy ka? bakit parang mukang may lahi ka? Gulat na sabi nito..
Opo, pero pure pinoy po ako. sabi ko dito..
Ah, kabayan.. kris nga pala taga saan ka sa pilipinas. ani nito at inilahad ang kamay.. hindi naman nya kailangan pang lumabas sa tindahan nya. dahil nasa food truck lang naman ang tindahan nito..
Taga, QC po sir kayo po.. tanong ko, mabuti narin siguro ito na may kausap ako, kahit hindi ko kilalang tao, matahimik lang kahit sandali yung isip ko.
Taga bulacan ako hijo, nga pala wag ng sir, kahit manong or mang kris nalang.. aniya na mukang mauuwi sa kwentuhan ang pag uusap naming dalawa ng bigyan nya ako ng orange juice..
Naku thank you po mang kris.. sabi ko dito pagka abot ng baso..
Naku, wala yun. dito sa ibang bansa tayong mga pinoy lang din ang mga magtutulungan.. Nakangiteng sambit nya at muling nag halo ng pastang iniluluto..
Matagal na po kayo dito? tanong ko, dahil nag tataka din ako parang wala syang kasama, mag isa lang sya malaki naman yung food truck, kung titignan ito parang may maliit na kwarto sa loob..
Ayy Oo, mga sampung taon na siguro.. aniya
Ang tagal nyo na po pala dito, nandito narin po siguro pamilya nyo nuh!? sabi ko, dahil mukang pamilyado naman ito .
Hahah naku, wala akong pamilya, wala ring asawa in short, mag isang nabubuhay sa mundong ibabaw.. aniya at tumawa.. mag isang nabubuhay??
Seryoso po kayo? ani ko, dahil sa edad nya parang ang hirap yatang mag isa lang ang lungkot .
Haha naku hijo, totoo nga.. sa buong buhay ko kasi isang babae lang ang minahal ko, babaeng kailan man hindi naramdaman ang existence ko.. malungkot na sabi nito pero muli paring ngumiti..
Pero sana, nag mahal po ulit kayo.. sabi ko, dahil pwede pa namang tumibok ang puso sa ibang tao..
Madaling sabihin, pero mahirap gawin hijo, Lalo na kung hindi mo kayang kalabin ang dinidikta ng puso mo.. aniya and hes right, mahirap diktahan ang puso, kaya pala kahit anong gawin kong isipin na mahal ko si vanessa hindi mangyare yare dahil ibang tao pala ang tinitibok nito..
Mukang malaki itong food truck nyo mang kris dito narin po ba kayo pinatutulog ng amo nyo? ani ko dahil curious talaga ako kung bakit ganto kalaki. ang food truck nya samantalang sa iba ay tama lang .
Naku hijo, wala akong amo. sariling negosyo, simula kasi ng bumagsak ang negosyo ng pamilya namin sa pilipinas at namatay ang mga magulang ko nag ibang bansa nalang din ako para mag patuloy ng bagong buhay at syempre makalimot sa nakaraaan.. aniya ng may ngite parin sa mga labi na kahit may mapait na nakaraan.. ang tatag nya, sana maging ganun din ako sa kanya, maging matatag kahit ano mang mangyare kahit napaka hirap na..
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Novela Juvenil"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...