Athena POV
Sigurado naba talaga to athena? malapit ng matapos ang sem, saka kapa aalis? malungkot na sabi ni ms.go habang nandito kami sa loob ng office nya.
Opo ms. go kailangan po eh. ani ko at pekeng ngumiti dito.. hindi ko parin kayang umalis dito pero kailangan! dahil pag nag stay pa ako sa school nato maraming memories akong hindi makakalimutan at mag babalik lang ng sakit sa puso ko.
Hayss, mukang hindi na nga kita mapipigilan.. basta mag iingat ka. mamimiss ka ng section natin. mawawala na yung sobrang tahimik ng klase ko. aniya at pinat ang balikat ko.. mamimiss ko ang room, si ms. go at ang maiingay na kaklase ko at sya..
Kayo din po ms. go mamimiss ko.. ani ko at niyakap ito, kahit papano naging close ako kay ms. go kaya malapit na ang loob ko dito..
Oh sya, gabi na, umuwi kana at mamaya mapano kapa sa daan.. aniya pagka kalas ng yakap.
Sige po ms. go salamat po.. paalam ko dito .
Ikaw din, mag iingat ka.. aniya at tuluyan na akong lumabas ng office room nito.
*sigh* good luck athena, good luck sa bagong buhay na tatahakin mo..
habang palabas, hindi ko mapigilan malungkot dahil kahit saan kasi ako tumingin memories namin ang nakikita ko.. yung detention room, yung rooftop yung classroom at lalo na itong ground dahil dito yung lugar kung saan nag tapat ako ng feelings sa kanya..
Mamimiss ko dito.. sambit ko habang ninanamnam ang lamig ng hangin, at tila ako nalang mag isa sa ground na to dahil wala na akong studyanteng nakikita..
I heard na aalis kana sa school nato.. rinig kong salita kaya napaharap ako dito..
zeus.. sambit ko sa isip at itinago ang gulat na naramdaman.. pano nya nalaman..
Classmate pala kita, bakit hindi mo sinabi sa akin nung nakita kita sa hospital.. aniya pa.. oo nga pala kalat na pala sa school ang pag alis ko. at kung tinatanong nyo kung bakit hindi nya nalalaman yung about samin.. pinatikom ni vanessa ang lahat ng studyante about samin ni zeus na kung sino man ang mag chichissmis nun ay yare sa kanya..
Hindi naman kasi tayo close.. sabi ko dito, mukang ito na ang huling gabing makikita ko sya..
Ganun ba, pero pwede ko ba malaman bakit ka nasa room ko nuon sa hospital, nag alala kaba sakin?. sinserong sabi nya.. oo zeus sobra akong nag aalala at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyareng masama sayo.
Hindi, that time na confine din ako sa hospital then na mali lang ako ng pinasukan.. pagdadahilan ko dito at nag iwas ng tingin.. i cant! hindi ko kayang tignan ang mukha nya feeling ko anytime lalambot ako at baka hindi ko mapigilang mayakap sya..
Gabi na, uuwi na ako.. sambit ko at aalis na dahil hindi ko na kaya, nasasaktan nanaman ako..
Wait.. pigil nya sakin at hinawakan ang braso ko..
There's one thing i want to know.. aniya pagkapigil sakin..
Ano yun.. ani ko ng hindi tumitingin sa kanya.
Wala ba talaga tayong ugnayan nuon? i mean pagnakikita kita may iba akong nararamdaman, hindi ko malaman kung lungkot or saya basta kakaiba.. ani nito na lalong nag padurog nang puso ko.. kung hindi lang tayo mag kapatid zeus ipaglalaban naman kita eh. handa kong kalabanin ang lahat para sayo pero mali eh. hindi pwede tayo hindi pwedeng mag karoon ng relasyon ang mag kapatid..
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Novela Juvenil"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...