Zeus POV
Dapat ko pabang hawakan o bitawan ko na ang isang tao na alam ko sa simula palang hindi sakin. Bakit? Bakit kailangan ko pa kasi mahulog sa kanya kahit alam ko na hindi nya ako masasalo ano na zeus alam na nya, alam na nyang gusto sya ni jacob at alam mong gustong gusto nya si jacob hahawakan mo paba o bibitaw na,
Nakakabaliw. Ani ko pagkabuga ng usok ng sigarilyo, grabe mag laro sakin si tadhana diba dapat pagbigyan nya naman ako ngayon dahil minalas na ako sa huling lovelife ko pero bakit ngayon ayaw nya yata akong kapmihan? Tsk engot kadin zeus eh bakit kasi hinayaan mong mahulog ka sa pipe nayun alam mo namang may ibang gusto yun, saka ano bang nagustuhan ko sa babaeng yun.. arrggghhhh, kinain ko pa tuloy yung sinabi kong mataas ang standard ko sa babae.
Lumabas ka ng basta basta sa room kahit alam mong nagtuturo pa ang teacher natin. Rinig kong sabi ng isang babae, isang babaeng hindi ko akalaing magugustuhan ko.
At para lang talaga mag yosi zeus. Dagdag pa nya ng tinapunan ko lang ito ng tingin.
Bakit kaba nandito ayos kalang ba? Aniya pagkalapit sakin habang nakasandal ako sa railings ng rooftop.
W-wala sumakit lang ang ulo ko. Palusot ko at umiwas ng tingin kesa naman sabihin ko na "nakikita ko kasi kayo ni jacob na nag ngingitian kaya nabadtrip ako kaya lumabas nalang ako". Diba kaya wag na, yan nalang . Nakakainis kasi e bakit ba kasi ako sumunod sa kanya nung lumabas sya at pumasok ng library edi sana hindi ko narinig ang pinag usapan nila ni jacob aishh.
Masakit ang ulo mo pero nagawa mo pang mag yosi. Inis nyang sabi at inigaw sakin ang yosi ko at inapakan.
Alam mo bang yan lang ang gamot, para mawala ang sakit ng ulo ko. Kunwaring inis na sabi ko ayaw kong ipakita sa kanya na gusto ko na sya mamaya lumaki pa ang ulo ng pipeng to eh saka diba nya alam na yun nalang ang pampawala ng sakit ng puso ko arrrghhhh!!!puso!! f*ck ano ba tong pinag sasabi ko.. hindi naman ako naging ganto kay vanessa.
Dapat sa clinic ka pumunta hindi dito wait baka may lagnat ka. Aniya at nagulat ako ng biglang haplusin nya ang leeg ko at sa hindi ko alam bakit bigla kong hinawakan ang kamay nya.
Nag......... a-aalala kaba sakin. seryosong sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata nya, sana nag aalala sakin athena kasi kung nag aalala sya malaking bagay nayun sakin atlis kahit papano magkakaroon ako ng puwang sa puso nya.
A-ah h-hindi ano.. utal nitong sabi at hinila ang kamay nya sa pagkakahawak ko. Bakit nga naman sya mag aalala sakin eh amo lang naman nya ako.
Wag mong ipakita sakin na nag aalala ka kung hindi naman pala. Sabi ko at nag iwas ng tingin sa kanya.
Anong sinasabi mo dyan. aniya at ngumiti nalang ako ng peke pagkaharap sa kanya
Wala pumasok na tayo sa room. Ani ko at nauna nag maglakad ayokong tumingin sa mga mata nya mamaya makita nya ang sakit sa mga mata ko ayoko.
Athena POVAno bang nangyayare sa kanya. Ayaw ko lang naman sabihin na nagaalala ako sa kanya mamaya asarin lang ako nun baka lumaki pa ang ulo. Bulong ko at sumunod nalang din sa kanya pababa ng rooftop. Ang lalakeng yun madalas tinotopak may lagnat kaya siya medyo maiinit ang leeg nya eh pero bakit ang lamig ng kamay nya aaaiish ang gulo.
Pagkadating namin ng room buti nalang at wala pa ang subject teacher namin mamaya mapagalitan kami eh. At saktong pagpasok namin yan nanaman sya ^////^ yieee jacob naman ay pumapasimpling ngite nanaman sya grabe ka jacob ngite palang kinikilig na ako. ^^
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Teen Fiction"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...