Chapter 19 ( girlfriend )

1.5K 82 16
                                    

Athena POV

Mama. Tawag ko habang kumakatok sa pinto.

Oh athena kanina pa kita--- Oh son in law nandito karin pala. Bungad ni mama pagkabukas ng pinto at dumiretso kay zeus pagkakita nito. Aaissshh hindi ba sya nahihiya ako hiyang hiya na tuwing tinatawag nyang son in law si zeus eh.

A-ah hello po tita. Naiilang sabi ni zeus kay mama.

Ma naman wag mo syang tatawaging son in law. Nakasimangot kong sabi kay mama pero aba hindi ako pinansin aisshh nakakainis.

Wait lang bakit basa ka? Ikaw athena bakit basang basa ka umulan ba hindi naman ah ang daming bituin oh. Aniya at tumingin pa sa langit para siguraduhin nga kung umulan o hindi.

Tanga tanga kasi ako nahulog ako sa fountain. Palusot ko. Alangan naman sabihin kong may tumulak kasi sakin sa swimming pool, baka biglang mag super saiyan yan si mama.

Ayy grabe ka naman anak wag mo naman ipahiya ang sarili mo sa boyfriend mo. Sagot sakin ni mama at tumingin kay zeus na ngayon ay naka kunot noong nakatingin sakin kaya pinanlakihan ko sya ng mata baka mag sabi ng totoo eh.

Ok lang po tita kasalanan ko din po hinaharot ko kasi sya. Sagot ni zeus kaya ipit akong napatawa. Gagawa nalang ng palusot epic pa.

Hay kayo talagang dalawa osya pumasok na kayo sa loob at napaka lamig dito sa labas. Sabi ni mama at pinapasok na kami sa loob ng bahay. Maliit lang naman ang bahay namin siguro kasing laki lang ng apartment ni zeus up and down ito then may dalawang kwarto sa taas at isang banyo at dito sa baba sala kusina at isang banyo ulit.

Magpalit kana athena at pahiramin mo muna ng jacket si son in law wala naman tayong damit panlalake na pwede ipahiram sa kanya. Ani ni mama pagkapasok namin (-_-) son in law nanaman kaya umakyat nalang ako.

Relax ka lang dyan ah son in law iluluto lang kita ng mainit na sabaw. Rinig kong sabi ni mama kay zeus ng nasa hagdan na ako.

Bakit sya lang mama.!! Sigaw ko at aba ang bathalang ibon dinilaan pa ako kaya sinamaan ko sya ng tingin at padabog na dumiretso sa kwarto ko.

Pagkababa ko ay hinagis ko sa kanya yung jacket na kulay yellow sana mag mukha syang bakla hahaha^0^.

Bakit yellow pambakla. Atumal nya habang sinusuri ang jacket ko.

Aangal kapa akin nayan. Sabi ko at akmang kukunin sa kanya yung jacket pero inilayo nya ito sakin.

Wag na pinahiram mo na eh. Aniya at dumiretso papuntang kusina. Aba feel at home sya ah.

Ang sarap po. Nakangiteng sabi ni zeus pagkahigop ng sabaw na niluto ni mama siningang na hipon. Syempre nanay ko yan masarap mag luto.

Nakakatuwa naman son in law nagustuhan mo luto ko. Kinikilig na sabi ni mama. Aiissshhh ano bang nangyayare kay mama nakakainis puro sya son in law.

Mama hindi ko boyfriend si zeus kaibigan lang K.A.I.B.I.G.A.N ok. Sabi ko at pinaintindi talaga na kaibigan ko lang si zeus dahil yun naman ang totoo.

Ang sarap nyo po magluto kaya pala, may pinag manahan pala si athena. Singit ni zeus at nakangiting tumingin sakin. Psh pagkami lang dalawa di nya pinupuri luto ko pero ngayon kung makapuri sya psh.

Nalutuan kanarin ni athena. Gulat na sabi ni mama. Yare baka madulas ang mokong nato.

H-hindi po mama nag experiment po kasi kami ng pagkain sa school kaya natikman nila ang luto ko. Sabi ko at pinanlakihan ng mata si zeus pero ang mokong tinawanan lang ako habang humihigop ng sabay aiisshh kainis ka.

I'm His Yaya COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon