Tristan POV
Ang ganda! Babagay kaya to kay athena? Sambit ko habang nakatingin sa hawak hawak kong necklace.
Dude! Ano hindi ka sasama sakin? Tara gala tayo madaming chiks ngayon oh!! Lapit sakin ni arvie at naupo sa tabi ko, nandito kami ngayon sa ground ng school kung saan ang mga studyante ay nagkalat kalat para sa pagdiriwang ng foundation week.
Nakakatamad. Sagot ko at nanatiling nakatingin sa necklace na hawak ko. Sana magustuhan nya ^.^
Whoah ganda nyan ah! Aniya at akmang hahawakan ang necklace pero inilayo ko ito sa kanya.
Wag mo ngang hawakan. Ang dumi dumi ng kamay mo kakahawak sa mga katawan ng babae mo mamaya ma virusan pa to. Asar ko sa kanya saka itinago ko sa bulsa ang kwintas.
Sus arte mo! Sa linis kong tao mag k-ka virus ako asa! Saka mukang importanteng tao yung pagbibigyan mo nyan ah. Aniya at siniko pa ako kaya hindi ko narin napigilan mapangite.
Oo importante sya sakin sa tingin mo magugustuhan kaya nya? Tanong ko sa kanya at ang mokong nagisip pa kuno may pahawak hawak baba pang nalalaman.
Hmmm hindi! Pero kung ibibigay mo sakin yan magugustuhan ko promise. Aniya at nag pa cute pa gago talaga kaya ayun binatukan ko.
Tarantado! Sabi ko pagkabatok sa kanya.
To naman binibiro kalang! Saka oo magugustuhan nya yan saka para kanino bayan? Tanong nya habang nagiisip at maya maya lang biglang nagliwanag ang muka nya tila alam na kung kanino ko to ibibigay.
Ahhh!!! Kay kababata ba? kay crazy girl ba----- araaay ano ba dude ang hilig mong mangbatok!! Aniya dahil binatukan ko nanaman sya. Eh kasi, tinawag nyang crazy girl si athena kahit hindi naman sya ganun kaya makakatikim talaga sya sakin ng batok.
Hindi sya crazy girl! Pagtatama ko sa kanya ..
Tsk oo na pero mamaya nayan tara gala nalang muna tayo!! Pang aaya nya pero umiling ako, ibibigay ko muna to kay athena saka sya ang gusto ko kasama gumala.
Sa susunod nalang dude, sya muna ngayon. Sabi ko dito at tumayo na.
So ganun pinagpapalit mo na ako sa kanya? Its hurt dude!! Aniya ng naka pout at may pahawak hawak pa sa dibdib! Aisshh ang lalaking to akala mo bakla.
Tumigil ka nga sa pinaggagawa mo parang kang bakla. Sabi ko dito ayaw tumigil eh.
Hahaha to na haha sige dude take your time enjoy your day with her. Aniya ng nakangite!! Alam ko naman na maiintindihan nya ako eh bestfriend ko na sya since pagkabata kaya kilala ko na ang mokong na to. At siya lang ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat.
Sige dude!magpakasasa ka muna ngayon sa mga babae mo then tayo naman mag dadate. Sabi ko dito at naglakad na.
Promise yan dude ah! I love you. Rinig kong sigaw nya, bakla talaga hindi pa marunong mahiya.
Halos lahat na ata ng booth natignan ko na at buong building ng SHS pero wala si athena kahit sa booth ng klase nila wala din sya, nasaan naman yun kahit sa room nila wala eh. Hayss nag iisa lang sya ngayon for sure, kasi si ashley mukang iniiwasan narin sya kaya wala na syang kaibigan hindi naman pwedeng yung jacob ang kasama ngayon ni athena dahil nandun sya sa booth nila kissing booth at sya ang taga halik sa mga babaeng pumipila ibang klase din yung mokong nayun ah heartthrob ata ng SHS pero mas gwapo parin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Teen Fiction"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...