Tristan POV
Whaaaaaa!!! mamimiss talaga kita ng sobra athena.. hiyaw ni ashley at niyakap ng mahigpit si athena, na halos hindi na makahinga..
Hoy babae, hindi na makahinga si athena.. sigaw naman sa kanya ni jacob, kaya napailing nalang ako.. para silang mga ewan..
Ginagawa mo dito, ayaw mong makihalubilo dun sa tatlo.. lapit sakin ni arvie, nandito lang kasi ako sa isang sulok. pinapanuod sila..
Hindi na, nag ka free time narin naman na kami ni athena kahapon eh.. sabi ko dito sabay subo ng spaghetti na inihain samin ni mama amanda, mamayang tanghali pa kasi ang alis ng bus nila. since naka pag pareserved naman na sila dahil nung nakaraan pa dapat sila aalis kaso naurong dahil sa nangyare kaya kahit mamaya na silang umalis ok lang hindi na sila makikipag pilahan pa sa ticket..
Hayysss, magiging malungkot na, wala nang reason para magkita kita tayo.. malungkot na sabi nito sabay buntong hininga.
Anong pinag sasabi mo dyan, tandaan mo iisa lang ang school na pinapasukan natin.. sabi ko, gusto ko sanang batukan kaso wag na. baka tuluyang mapunta sa talampakan ang utak..
Oo nga pala,hahahah bigla ko nakalimutan yun ah, haha pero syempre iba parin pag kasama natin si athena at zeus.. aniya nya ng tumawa sabay biglang lungkot.. may saltik talaga to..
Kalalake mong tao, ang drama mo! ewan ko sayo.. sabi ko nalang dito at umalis sa tabi nya.. ayokong pag usapan ang bagay nayun. dahil ang totoo mabigat sa dibdib ko na umalis sina athena at mama amanda pero kung ito ang magandang paraan para makalimutan at mawala ang sakit, sasabay nalang siguro talaga ako sa agos ng tadhana.
Beep beep.. rinig kong tunong ng cellphone ko at ng tignan ko si dad may message..
Dad
(Umuwi ka muna dito sa bahay tristan now na.)
Basa ko sa message ni dad or should i say tito manuel.. pero bakit kaya? for what reason,. kaya kahit ayaw ko, no choice ako kundi ang umuwi.. simula kasi ng malaman ko ang katotohan mula kay mama amanda hindi na ako umuwi ng bahay at hindi na muna nag paramdam kay tito manuel, sobra na syang nag aalala sakin pero ang lagi ko lang sagot ay "Ok lang ako dad" hindi ko kasi maatim na makita sila ni tita venus,
Ah mama amanda, uuwi po muna ako pero babalik din po agad ako.. paalam ko kay mama amanda, sabi ko kasi sa kanya na ako ang mag hahatid sa kanila sa terminal eh, este kami pala kasama ang tatlong ugok..
Ganun ba, mukang hinahanap kana ng daddy mo, sige na anak puntahan mo na sya.. aniya at tinanguan ako, kaya mabilis akong ngumiti dito at umalis na.. mix emotion, hindi ko alam kung anong ikikilos ko pag uwi ko ng mansion..
malaking bahay pero punong puno ng kasinungalingan at lihim..
pagkadating ko ay nag tataka ako ng makita ko si mang eduardo na may mga bagaheng inilalagay sa kotse.
Sinong aalis? aalis kaya si tito manuel..
Hurry up, zeus malalate na tayo sa flight natin.. rinig kong nagmamadaling sabi ni tita venus ng makasalubong ko sya sa pinto habang di kalayuan ay naka sunod si zeus sa kanya..
Aalis kayo? ani ko na ikinagulat nya ng makita ako..
I-its none of your business tristan.. aniya at nilagpasan ako, pero bakit? nagtataka parin ako.
BINABASA MO ANG
I'm His Yaya COMPLETE
Teen Fiction"Love is a medicine para sa mga taong may galit na nararamdaman sa kanilang puso. Pag ibig na sa hindi mo inaasahan ay iyong mararamdaman" Meet Athena tuazon a silent girl na walang pake sa mundo na tanging sa pag aaral lang at kanyang mahal na ina...