Chapter 1: Beginning

277 50 48
                                    

Baro's POV

" SunWoo Oppa! Tanghali na baka gusto mo ng gumising?" Dinig ko ang bawat pagsigaw ni YoonJi matapos kong maramdaman na pumasok ito sa silid ko. Kumilos ako upang magtalukbong tanda na wala akong balak pakinggan ang lahat ng sinasabi niya at magpatuloy lang sa pagtulog. Nakakatamad bumangon, ayoko pang bumangon.

Gusto ko pang matulog at magpahinga ngunit tila naman wala itong balak ibigay sa akin ang gusto kong iyon. Nagpatuloy ito sa ginagawang pagsigaw at pag-gising sa akin hanggang sa naramdaman kong kumilos itong papalapit sa kama ko, tinanggal ang kumot na nakatabon sa akin tsaka ako pinakalo ng malakas sa braso.

Mabilis akong napabalikwas ng bangon. Pakiramdam ko ay nagising ang buong diwa ko sa ginawa ni Yoonji sa akin. Sinapo ko ang bahagi ng braso ko na pinalo nito bago ito tinignan ng masama. Minsan talaga may mga pagkakataong gusto ko talagang kalimutang kapatid ko siya.

" Yah! YoonJi! Bakit ka ba namamalo? Natutulog pa yung tao eh." Naiinis na sabi ko sa kanya. Tinignan lang ako nito at nagpatuloy sa pagtingin ng masama. Minsan may mga pagkakataong tulad nito na mas umaasta siyang matanda sa aming dalawa at wala akong magawa kundi sundin siya.

" Kanina pa kita ginigising. Kanina pa tumatawag si Jinyoung, may broadcast daw kayo mamaya pero hanggang ngayon nakahilata ka pa riyan. Bumangon ka na, bago pa ako mapikon sa 'yo." Ito naman ang nagtaas ng boses.

Tumingin ako sa orasan at nakita kong mag- aalas siete na ng umaga. Napabalikwas ako ng bangon tapos ay nagdirediretso sa banyo. Hindi ko na muling tinignan pa si Yoonji kahit pa panay pa rin ang salita nito na para bang nanay na pinapagalitan ang anak niya.

"Ngayon magmamadali-madali ka dyan. Hay naku!" Huli kong nakitang lumabas ng silid ko si Yoonji. Tama iyon para matahimik ako, wala na ring oras dahil kapag hindi ko binilisan,tiyak na sasamain ako kina Jinyoung at Shinwoo-hyung.

Tila limang minuto lang akong naligo. Tapos ay mabilis pa sa kidlat na nagtungo ako sa kotse upang makarating agad sa WM. Walang dapat aksayahing oras kung gusto ko pang mabuhay.

"Anong nangyari sa kuya mo?" Narinig ko tanong ni mama matapos akong humalik dito paglabas ko ng silid ko. Ginulo ko naman ang buhok ni Yoonji na nakaupo noon sa hapag kainan at saka ako tuluyang umalis.

"As usual, late nanaman 'yan sa usapan nila ng ibang kamiyembro niya. May broadcast po sila ngayon at kailangan niyang makarating agad sa WM."

Mabilis kong pinasibad ang sasakyan ko upang makarating agad sa WM, halos paharurutin ko ito at kulang na lang ay lumipad iyon dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko. Umilaw ang red light hudyat na kailangan kong huminto,kasabay ng pagpalatak ko dahil sa saglit na pagtigil ay ang ilang ulit na paghampas ko sa manibela. Paandar na ulit ang trapiko nang marinig kong tumunog ang cellphone ko, na mabilis ko namang sinagot.

Si Jinyoung-hyung.

"Hyung?" Masiglang bati ko rito.

"Yah, Cha SunWoo! Nasaan ka na ba? Kanina pa ako tawag ng tawag sayo?" Narinig kong medyo tumaas ang boses ni Jinyoung na siyang nasa kabilang linya. Halata sa boses nito ang iritasyon at alam kong dahil iyon sa akin at dahil sa huli na ako sa usapan namin.

"Hyung, wag ka ng magalit, parating na rin ako. Traffic kasi kanina, tapos lowbat pa yung cellphone ko kaya di ko nasagot ang tawag mo." Pagdadahilan ko rito, pinagdadasal kong sana ay kagatin niya ang pagdadahilan ko dahil kung hindi ay siguradong mababalatan ako ng buhay. "Nandito na ako sa labas wag ka ng magalit."

"Bilisan mo. Kapag limang minuto wala ka pa rito malalagot ka talaga." Pagbababanta nito sa akin, tapos ay busy tone na lang ang narinig ko sa kabilang linya.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon