Chapter 48: Habitual Words

43 19 3
                                    

"The lips that used to call you so much
I realized then, like a habitual saying
That I desperately looked for you as I called for you..."

--------
Blangko ang expression ni Baro habang nakatingin kina Kalih, Yoon Ji tapos ay kay Jeonghan. Tapos ay muling nagbaling ng tingin sa kapatid.

"Let's go Yoon Ji-yah. Sumabay ka na sa akin." Lumabas ito ng Cafe at hindi na muling lumingon pa sa direksyon nila ni Jeonghan. Wala siyang mabasang reaksyon sa mukha nito. Ni walang expression ang mga tingin nito kanina.

"Let's go." Yaya naman ni Jeonghan sa kaniya. Hindi kaagad narinig ni ang sinabi ni Jeonghan. Nanatili siyang nakatingin sa pintuang pinaglabasan ni Baro maging ni Yoon Ji.

Bumaling ang tingin niya kay Jeonghan ng makita niyang kaharap na niya ito at hinawakan siya sa kamay. Tsaka marahang hinila palabas. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang naglalakad na si Baro kasunod si Yoon Ji. Mabilis na naglakad si Jeonghan. Pareho ang direksyong pupuntahan nila at ang direksyon tinungo ni Baro. Sa bilis ng lakad nito ay pakiramdam niya ay nahihila siya nito. Pakiramdam ni Kalih ay tila ngslow motion ang paligid niya ng madaanan si Baro at Yoon Ji. Nauuna na ngayon sila sa mga ito.

"Unnie." Narinig pa niyang tawag sa kanya ni YooJi ng makita siya pero dahil sa mabilis na paglakad ni Jeonghan ay nilingaon lang niya ito.

Samantalang hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Baro ang kamay ni Kalih na hawak ni Jeonghan. Napahinto siya ng makitang magkatabing nakapark ang sasakyan nila. Nakita niyang iginiya ni Jeonghan si Kalih sa passenger's seat bago ito pagbuksan ng pinto at papasukin.

Mula sa loob ng sasakyan ay kitang kita ni Kalih na nakatingin sa kanya si Baro. Pero tulad ng nakita niya kanina. Wala siyang mabasang emosyon dito. Blangkong nakatingin lang ito sa direksyon niya. Hindi niya namalayang nakasakay na si Jeonghan sa driver's seat. Narinig na lang niyang tumunog ang sasakyan at naramdamang umandar na sila.

Hindi sila nag-uusap ni Jeonghan sa sasakyan. Nanatiling tahimik si Kalih habang si Jeonghan naman ay tinuon na lang ang atensyon sa pagmamaneho.

-----
Baro's POV

Nanatiling tahimik si Yoon Ji habang nasa loob kami ng sasakyan. Wala akong makapa sa kaloob looban ko. Dati ay pinanalangin kong makita ko ulit si Kalih. Pero ngayong nakita ko siya, wala akong maramdaman. Wala akong makapa sa puso ko. Natigil ako sa pag-iisip ng basagin ni Goon Ji ang katahimikan.

"Oppa, bakit hindi mo kinaisap si Kalih Unnie?" Mahinang tanong nito sa akin.

"There's nothing more to talk about."

" Pero diba matagal mo siyang hinanap? Tsaka hindi mo ba sasabihin sa kanya lahat ng nagyari?" Muling sa i ni Yoon Ji. Mas naging mapilit ito.

" Para saan pa Yoon Ji. May sari sarili na kaming buhay. It's better this way."

" Pero Oppa hin-"

" Enough Yoon Ji-yah. Ayoko na siyang pag-usapan pa. Ihahatid na kita. May kailangan pa akong puntahan." Sabi niya dito.

Mabuti na lang at hi di na ito nagsalita pa. Hinatid ko si Yoon Ji sa bahay ng mga magulang namin tapos ay mabilis din akong umalis.

Nagdahilan lang ako kay Yoon Ji para tumigil ito ng kakatanong. Nagtungo ako sa dorm matapos ihatid si Yoon Ji, kumuha ng ilang bote beer sa ref tsaka ako umakyat sa rooftop. Gusto kong mapag-isa pero gusto ko din ng kausap. Nababaliw na ata talaga ako. Maya maya pa ay nakarinig ako ng mga yapag papalapit sa direksyon ko. Nilingon ko iyon at nakita kong papalaput si Sandeul sa akin.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko dito. May dala itong batya at marahil ay kakatapos lang maglaba, umakyat ng rooftop para magsampay.

Kitang kita kong nagulat ito.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon