Chapter 4: Whirlwind

83 44 50
                                    

Kalih's POV

"Anong sinabi mo? Titira kang kasama ng B1A4? Bakit? Paano? Kailan? Saan?" Halos mabingi ako sa lakas ng boses ni Jana ng sabihin ko ang masamang balita dito.

"Pwede bang isa-isa lang ang tanong? Kailangan talaga sabay-sabay? Natotorete na din yung utak ko." Reklamo ko kay Jan sabay salampak sa upuan.

May pakiramdam ako na hindi magiging maganda at madali ang nalalapit kong pagtira sa dorm ng grupong iyon, bakit naman kasi ako pa. Sa dinami-rami ng mamalasin, bakit ako pa.

"Teka! Hindi ka ba naeexcite man lang na makakasama mo sa isang bubong ang B1A4! Juice ko Lord! Kalih, makikipagpatayan ang ibang babae para makipagpalit sa posisyon mo." Eksaheradang sabi nito sa akin. Halata ang excitement sa mata ni Jana. Bagay na hindi ko maintindihan kung bakit.

Napatingin ako rito. "Kahit hindi na sila makipagpatayan sa akin, kusang loob ko pang ibibigay sa kanila kung gusto nila." Bulalas ko rito. "Tsaka teka, bakit parang tuwang tuwa ka pa sa kahihinatnan ko?" Tinignan ko ito ng masama, kunwari ay may himig ng pagtatampo.

"Hindi ah!" Maang-mangang sagot nito.

"Pero come to think of it, hindi ba parang blessing in disguise na din yan sayo. Pinalayas ka nung maldita mong kasera na pinaglihi ata sa lahat ng sama ng loob dito sa mundo kaya walang lovelife dun sa apartment mo. Sabi mo wala kang mapupuntahan o kaya ayan. Dininig ni Lord ang mga dasal mo sa universe! May pupuntahan ka na. And take note! Ang gagwapo kaya ng makakasama mo!" Kinikilig-kilig pa ito habang sinasabi iyon sa akin.

Kunwari ay natawa ako at sarkastiko ko siyang tinignan. "Gusto mo bang sumama?"

"Pwede ba?" Excited na sabi nito.

" HINDI! Hay naku naman Jana, pwede ba seryosohin mo naman ako! Sumasakit na yung ulo ko kakaisip eh." Ang dami daming tumatakbo sa utak ko ngayon at nadagdagan pa ng pag-iisip sa kasasadlakan kong sitwasyon. Hindi ko alam kung anong uunahin. Wala na akong nagawa pa kundi ang matutop ang dalawa kong kamay ang ulo ko.

"Kalih, hindi mo naman kailangan mamroblema eh, just go with the flow. Ang sabi mo naman diba posible.... POSIBLE! na pagkatapos niyan ay matupad na ang pangarap mo na maging trainee. So pagtiisan mo na lang muna." Pangungumbinsi sa akin ni Jana.

Buntong-hininga lang ang naisagot ko rito. Wala na akong magagawa pa sa sitwasyong kapupuntahan ko. Kailangan kong pakisamahan ang mga lalakeng iyon para sa pangarap ko, para sa mga gusto kong gawin.

"Tsaka bes, ang gwapo talaga ng makakasama mo." Nakita kong kinilig muli ito sa isiping makakasama ko ang B1A4 sa isang bahay. Halos walang mapagsidlan ang saya ni Jana, marahil dahil sa mas may pagkakataon siyang makita yung lima dahil kaibigan niya ako.

"Hay naku Jana! Tumigil ka na nga dyan. Lalo mo lang pinapasakit ang ulo ko." Pasimangot na sabi ko sa kanya.

Hanggang sa makapasok ako sa trabaho ay iniisip ko pa rin ang paglipat ko sa dorm ng B1A4. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakatulala basta namalayan ko na lang na nasa tabi ko na si Sandeul.

"Kalilah!" Sabi nito sa akin bago ako hinawakan sa balikay.

Tila naman na-disappoint ito sa reaksyon ko na hindi man lang ako nagulat, blangko ko lang itong tinignan na siya namang ipinagtaka nito.

" Ayos ka lang ba? Bakit parang namatayan ka?" Sabi nito sa akin, umupo ito sa tabi ko habang umiinom ng tubig.

"Higit pa sa namatayan, Sandeul." Tapos ay bumuntong hininga ako.

Tumawa ito matapos marinig ang sinabi ko. "Dahil ba yan sa sinabi ni Manager Lee kahapon?"

"Bakit ba kasi kailangan ko pang tumira kasama kayo eh. Ang dami ko na ngang iniintindi sa buhay ko, pati ba naman ibang tao iintindihin ko pa rin pag-uwi ko?" Tapos ay naisip kong si Sandeul pala ang kausap ko. Bihla kong natutop ang bibig ko sabay tingin sa kanya.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon