Chapter 56: Good Love

51 14 36
                                    

Now Playing

Good Love By B1A4
-------------------------

Dahan dahan kong ibinalik ang pagkakatalukbong ng kumot nito. Hindi ko pa din lubos maisip kung anong nangyari. Mabilis akong lumabas sa nakatabing na kurtina. Hinawi ko iyon at napatingin ako sa direksyon kung nasaan si Jana. May kausap itong babae at tila takang taka ng makita ito.

"Jana, anong gin-" hindi na nito natapos ang sasabihin nito ng mapatingin ito sa gawin ko.

Samantalang hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Tinawid ko ang kinaroroonan nito at kusang hinapit ito payakap sa akin.

"A-ano-"

"Are you crazy? Bakit hindi mo sinasagot ang telepono mo! Kanina pa kita tinatawagan!" Angil ko dito. Tila tuluyan ng nalaglag ang puso ng makita ko si Kalih na nakatayo kasama si Jana.

"B-bakit nandito ka Baro?" Narinig kong tanong nito sa akin.

Lalo ko namang hinigpitan ang pagkakayakap ko dito. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ito. Kanina ng makita kong ibang tao ang nakahiga sa kama ng ER na may taklob na puting kumot ay hindi ko mapigilan sa pagkabog ang puso ko. Pinagdasal kong sana ay hindi si Kalih ang makita ko.

Mabuti naman at hindi siya. Dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pa kapag nawala pa siya.

"Ano bang nangyari sayo Kalih?" Maya maya ay narinig kong sabi ni Jana.

Humiwalay ako ng pagkakayakap sa kanya para tignan kung ayos lang siya. Sinipat ko ang kabuuan niya upang siguruhing ayos lang siya.

"Ayos lang ako. Teka bakit ba kayo nandito?" Nagtatakang tanong pa din nito sa amin ni Jana.

Tinignan ko ng masama si Jana. Hindi ako nagsalita. Ganon din ang ginawa ni Kalih. Ngayon ay parehas na kaming nakatingin dito.

"N-nataranta kasi ako kanina nung tinawagan mo ako. Akala ko naaksidente ka. Kaya tinawagan ko si Baro. Akala namon ikaw yung nakahiga doon kasi kinausap kami nung doctor." Halos maiyak na paliwanag ni Jana.

"Kaya nandito kayong dalawa?" Nagtatakang tanong nito. "At bakit niyo naman iniisip na patay na ako?"

"Eh yung doctor kasi kanina. Sabi naaksidente daw yang pasyente na yan. Kaya akala namin ikaw yan."
Pangangatwiran muli ni Jana.

Binaling ko paharap sa akin si Kalih.

"Ayos ka lang ba talaga? Wala bang masakit sayo? Kailangan mo bang magpagamot. Am.. Anong kailangan nating gawin. Sasama-"

"Huminahon ka nga!" Bulalas nito sa akin. Medyo tumaas ang boses ni Kalih.

Natahimik ako at hindi na muling nagsalita. Tinignan niya ako at maya maya pa ay kumalma din siya.

"B-bakit nandito ka?" Tanong nitonsa akin.

"Tinatanong pa ba yan Kalih! Malamang nataranta ako ng malaman kong naaksidente ka! Anong ineexpect mong gawin ko. Tumunganga na lang habang alam kong may masamang nagyari sayo? Halos mabaliw na ako ng isang buong taon na ni hindi ko alam kung anong nangyayari sayo! Na hindi kita kasama! Hindi pa ako nakakabawi sa mga kasalanan ko sayo at hindi ko pa nasasabing mahal kita! Mahal na mahal kita at ang isipingawawala ka ulit sa akin pakiramdam ko ay para akong mababaliw. Para akong masisiraan ng bait!" Dire diretsong sabi ko dito.

Napatanga si Kalih sa akin. Halatang nabigla ito sa lahat ng sinabi ko. Halos lahat ng mga tao sa ER at maging sa labas ay narinig ang sinabi ko sa lakas ng boses ko pero wala na akong pakialam. Kailangan niyang malaman ang lahat ng nararamdaman ko. Kailangan ko ng sabihin lahat ng laman ng puso ko.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon