Chapter 36: Stay Strong Kalih

43 24 29
                                    

I like you Kalih...

I like you Kalih...

I like you Kalih...

Paulit ulit na emeEcho sa utak ni Kalih ang mga sinabing iyon ni Jeonghan. Bukod sa nakakagulat naman kasi talaga ang sinabi nito ay iyon din ang unang beses na tinawag siya nito sa pangalan niya. Na tila bagi sa kanya.

" Kalih, ayos ka lang ba?" Nagtatakang tanong ni Gongchan habang nagaalmusal sila.

" Huh? Ah O-oo ayos lang ako. Mauuna na ako." Sabi niya sa mga ito.

" Teka, hindi mo pa nagagalaw yang pagkain mo." Habol nito sa kanya.

" Busog pa ako. Mauuna na ako Channie. Bye!" Sabi niya dito habang papunta sa pinto.

" San kaya pupunta yun? Wala naman siyang training ngayon sabi ni Baro Hyung ah." Sabi naman ni Gongchan ng tuluyang makalabas ang dalaga sa pinto ng dorm.

Nasa tapat na si Kalih ng bahay nila, mali pala ng bahay ng papa niya at ng asawa nito. Mula kasi ng umalis siya sa lugar na iyon ay tinuring na siyang ibang tao ng mga ito lalo na nila Yumi at tita Chen. Nag-alangan pang pumasok si Kalih. Kilala niya ang madrasta at kapatid niya, oras ng makita siya ng mga uto ay pihadong ipagtatabuyan siya ng mga ito paalis.

Pero kailangan niyang lakasan ang loob niya, naisip ni Kalih na ngayon niya dapat lakasan ang loob niya para sabihin sa papa niya na sa wakas ay nagbunga din ang lahat ng mga paghihirap niya. Na tama ang mama niya na magiging CR siya.

Marahang kumatok si Kalih sa pinto ng bahay. Kinapa niya ang dibdib at tila tinignan kung may natitira pang kaba at sakit doon. Bumuntong hinibga pa siya bago niya nakitang bumukas ang pinto at mabungaran si niya ang tita Chen niya.

Pinapasok siya nito ng walang kaangal angal. Nagtataka man ay tumuloy pa rin sya at sabik na hinanap ang ama. Nakita niya iyon na nakahiga sa kama nito.

" P-papa." Bulalas ni Kalih.

Tinignan lang nito si Kalih, pero walabg expression ang mukha nito. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya.

" Anong ginagawa mo dito?" Malamig na sabi nito.

" G-galit pa rin po ba kayo sa akin?" Marahang tanong niya dito.

" Sinong ama ang matutuwa na magdrop out ang anak niya para sa walang kwentang bagay?" Bulalas nito.

" Pero papa hindi ba po matagal ng pangarap natin to?" Nagtangkang lumapit si Kalih sa ama ngunit nagmatigas ito.

" Matagal ng oatay ang anak ko. Simuka nung umalis ka dito itinuring na kitang patay kaya wag ka ng magaksaya ng panahon pa."

" Pero papa..."

" Bingi ka ba? Hindi kita kailangan makakaalis ka na."

" Honey, wag ka namang ganyan sa anak mo." Maya maya ay narinig niyang sigaw ng tita Chen niya.

Tama ba ang narinig ko? Pinagtatanggol niya ako?

" Simula ng umalis ka dito. Itinuring ko ng patay si Kalih." Nagbaling ito ng tingin at hindi siya tinignan.

" Pa, t-trainee na po ako. Nakuha po ako sa W-"

" At talagang itinuloy mo pa rin yan sa kabila ng pagtutol ko." Tumalim ang tingin ng papa niya sa kanya.

" Alam mo naman po na pangarap namin ni mama to hindi ba? Alam niyo nam-"

" Wala akong pakialam sa ginagawa mo ngayon. Umalis ka na. Matagal ng patay ang anak ko." Matigas na sabi nito.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon