Chapter 5: Chinee-ya

88 43 55
                                    

Kasalukuyang nagaayos ng gamit si Kalih sa loob pa din ng practice room ng mapansin niya ang pagbalik ni Baro tapos ay ang paglapit ni Sandeul dito. Hindi umalis si Baro sa harap ng pinto habang kausap si Sandeul. Pinagkibit balikat lang niya iyon at nagpatuloy sa ginagawa. Tinignan niyang muli si Jinyoung na ngayon ay nakaupo na sa isang sulok at tila ba may tinitignan sa cellphone niyo. Maya maya ay narinig niya ang malakas na boses ni Sandeul.

" Chinee-ya!" Sabay sa paglabas ng isang babae na tila ba nagtatago sa likod ni Baro, yun din yung eksaktong babaeng nakita niya na hinila nito palabas ng practice room kanina. Hindi niya muli iyon pinansin at nagpatuloy sya sa pag aaayos ng mga gamit doon. Mukhang nagkakasiyahan lang ang mga ito.

Maya maya pa ay napansin ni Kalih na si Jinyoung naman ang lumabas. Kasunod niya yung babaeng kausap nila Sandeul kanina. Matagal pa syang nakatitig sa pinto na pinaglabasan ng mga iyon. Kaya hindi niya namalayang lumapit pala sa kanya si Baro.

" Sinong tinitignan mo?" Sabi nito.

" W-wala, may kailangan ka ba?" Tanong ko dito.

Pagkatapos syang kausapin ni Baro ay agad syang nagpunta sa dressing room ng B1A4 sa kaparehas din na floor. May pinakuha kasi si Baro na damit sa kanya. Pabalik na siya sa practice room ng mapadaan sya malapit sa Music room. Bago pa siya makarating doon ay nakita niyang may lumabas mula sa doon. Hinabol niya ng tingin ang babae, naalala niyang iyon yung parehong babae na kausap nila Baro, Sandeul at Jinyoung kanina.

Ilang saglit lang matapos lumabas nung babae ay sya namang labas din ni Jinyoung mula sa music room. Nagpalinga linga ito na tila ba may hinahanap. Nagpatuloy naman sa paglalakad si Kalih. Napahinto sya ng harangin sya ni Jinyoung.

" Kalih, may nakita ka bang lumabas na babae dito kanina? San sya ngapunta?" Tanong nito sa kanya
Magkahalong frustration at pag aalala ang nabasa niya sa mukha nito.

" Meron, sa tingin ko pababa na sya. Nakita kong papunta sya sa gawi ng elevator." Sagot ko dito.

" Favor naman please Kalih. Pakisundan mo naman sya. Pakisamahan mo narin. Hindi lang ako makaalis ngayon. Please." Pakiusap nito. Hawak nito ang magkabilang balikat ko.

" Huh? Pero may inuutos kasi sa akin si Baro." Muli kong sabi dito.

Kinuha nito ang damit na dala niya. " Ako ng magbibigay nito kay Baro. Ako na din ang bahalang kumausap sa kanila. Please Kalih." Nakikiusap ang mga mata nito.

Hindi niya alam kung paano pero namalayan na lang ni Kalih na tumatakbo sya upang sundan ang babae. Hindi na niya inintay pa ang elevator at gumamit na ng hagdan. Nang malapit na siya sa baba ay natanaw naman niyang palabas na ang babaeng sinusundan niya.

" Kainis, bakit ba kasi ang bilis niyang maglakad." Bulong ni Kalih sa sarili. Nagpatuloy sya sa pagtakbo hanggang sa di na niya namalayang nasa kalsada na pala sya. Wala sa loob na tumawid siya dahil nasa kabilang side na ng kalye yung babae. Napatigil sya ng may marinig syang malakas na busina. Napapikit na lang sya ng mapansin na malapit na syang mabangga ng kotseng ngayon ay papalapit sa kanya.

" Hoy! Nagpapakamatay ka ba!?" Maya maya ay narinig niyang may sumigaw. Nagdilat siya ng mata at nakitang konting konti na lang ang pagitan ng kotse mula sa kanya. Nakahinga sya ng maluwag. Luminga linga at hinanap ang babaeng kanina pa niya hinahabol. Nakita niya iyon a eksaktong nakatingin din sa kanya. Marahil dahil sa muntik na syang masagasaan.

" Pasensya na po. Pasensya na po talaga." Abot abot ang paghingi nya ng pasensya sa driver ng kotseng muntik ng bumangga sa kanya. Panay kasi ang salita nito at kulang na lang ay murahin siya sa sobrang galit. Pinagtitinginan na nga sila ng mga tao sa paligid namin. Nang sa wakas ay natapos ito at nailabas ng lahat ng inis niya sa akin ay nagpatuloy si Kalih sa pagtawid hanggang sa inabutan niya na ang babae. Nakatulala pa din ito sa kanya at tila ba iniisip na nababaliw na siya.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon