Chapter 43: It's Killing Me

36 19 17
                                    

Tutop pa din ni Kalih ang mga labi. Naisip niyang kung nananaginip siya hindi na niya gugustuhin pang magising. Nakita niyang ibinuka ng babeng kaharap niya ang mga bisig nito tila ba inaanyayahan siyang lumapit para mayakap siya. Lalong naglandas ang mga luha ni Kalih sa mga pisngi niya. Tinignan niya si Jeonghan na saktong nakatingin din sa kanya at marahang tumango. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras, lumapit siya dito noong una ay dahan dahan ang paglakad niya. Nakatitig lang siya sa mukha ng babae at nakita niyang maging ito ay umiiyak na din. Hanggang sa ang marahang paglapit niya ay naging mabilis. Hanggang sa tumakbo na siya. Nahinto siya sa harapan nito, tinitigan at tila ba sinisipat kung totoo ba ang nakikita niya. 

" Mama..." 

Tumango lang ito at patuloy pa rin sa pag iyak. 

Parang bata na yumakap si Kalih sa babeng kanina ay kaharap niya lang. Ipinikit niya ang mga mata niya. Walang dudang ito nga ang mama niya. Ramdam niya ang pagyakap nito sa kanya na tila ba panandaliang nagpapawala sa lahat ng sakit na dulot ng mga pinagdaanan niya ngayong araw. Tila siya batang napahagulgol at kahit siguro sanggol ay mahihiya sa pagpalahaw niya. Ibinuhos niyang lahat ng nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Lahat ng sakit sa puso niya ay pinakawaln niya sa pamamagitan ng pag-iyak. 

" I'm sorry Kalih. Patawarin mo ang mama kung iniwan kita. Patawarin mo ako anak." Nagsusumamong pakiusap nito sa kanya. 

" Hindi pinansin ni Kalih ang mga narinig niya at sa halip ay mahigpit na niyakap ang mama niya na para bang natatakot siyang anumang oras ay pwede ulit itong mawala sa kanya. 

Nasa isang silid na si Kalih at si Mrs. Yoon. Mataman nitong tinitigan ang nahihimbing na anak. Paminsan minsan ay hinahaplos nito si Kalih dahil sa lumuluha pa din ito kahit tulog na. Bakas sa mukha ni Kalih ang labis na pagod at lungkot. Ramdam niya ang lahat ng sakit na pinagdaanan ng anak at ni wala siyang magawa para pagaanin ang pakiramdam nito. 

" Mom, take a rest. Ako na munang bahala sa kanya." Hinwakan ni Jeonghan ang balikat ni Mrs. Yoon. 

" Jeonghan anong nangyari sa anak ko?" Mahinahong tanong nito sa kanya. 

" Matapang si Kalih. She'll be okay in no time." Sabi ni Jeonghan dito upang kahit papano ay mabawasan ang pag-aalala nito. " Hindi natin siya pababayaan." 

Tumango lang ito tapos ay hinawakan ang kamay niya na nakahawak naman sa balikat nito.

-----

Mabigat ang pakiramdam ni Kalih ng magising siya kinabukasan. Kkinagulat niya pa ng may mapansin siyang taong nakaupo sa gilid ng kama niya. 

" Good morning." Nakangiting bati nito sa kanya. 

" J-Jeonghan? Teka n-nasaan ako?" Nagtatakang tanong niya.

" You're home Kalih." 

Biglang napalikwas si Kalih ng bangon ng marinig ang sinabi nito. Inilibot niya ang mata sa paligid. 

Hindi ito ang bahay ni papa niya at lalong hindi ito ang dorm ng B1A4 kaya paano nitong sasabihin na I'm home. Sabi ng isip niya. 

" Kaya mo bang bumaba para magbreakfast? Or ipapaakyat ko na lang dito ang pagkain mo." Muling sabi nito. 

" K-kaya ko. P-pero anong nangyari sa akin?" Nagtatakang tanong niya. 

" Mamaya na natin yan pag-usapan. Let's have our breakfast first. May naghihintay sa atin sa baba." Inalalayan siya nitong makatayo. 

" Sinong naghihintay sa atin?" 

Sa halip na sumagot ay inakay siya nito pababa. Pakiramdam ni Kalih ay hapong hapo siya pero hindi niya matandaan kung bakit. Pababa na sila ng hagdan ng mapahinto siya. Kinurap kurap pa ang mata. 

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon