Chapter 37: Kalih's Pain

41 23 20
                                    

" Kalih, mali yung phasing mo!"

" Kalih, tignan mo sa mga mata si Baro."

" Kalih, nasa maling pwesto ka!"

Sunod sunod na saway sa kanya ng choreographer nila na si Ms. Mina.
Magdadalawang oras na nilang pinapractice ang kantang ipeperform nila para sa broadcast nila bukas ng gabi sa MBC.

Napatingin lang si Baro kay Kalih. Kanina pa kasi tila wala sa sarili ang dalaga at mali mali ang ginagawa. Napansin din niyang mainit na ang ulo ni Ms. Mina kaya nilapitan niya ito para kausapin. Tapos ay lumabas ito kasama ang iba pang dancers.

" Anong problema Kalih?" Nilapitan niya ang dalaga na ngayon ay nakaupo sa sahig at tila ba hapong hapo.

Hindi nito sinagot ang tanong niya sa halip ay tumingin sa kanya si Kalih. " I'm sorry. Aayusin ko na lang mamaya."

" Kalih, you're not answering my question. Pag-uwi mo kahapon hindi ka na makausap ng matino. What happened yesterday? San ka nanggaling? At bakit ka nagkakaganyan?" Sunod sunod na tanong niya dito.

" Pwede ba Baro!" Bahagyang tumaas ang boses ni Kalih na siyang ikinagulat niya. Halata ang frustration sa mga mata nito.

" What do you want me to do Kalih? Stay in silent habang nakikita kang tila wala sa sarili mo? I'm just asking you what happened para alam ko kung paano ka matutulungan, tapos ano pang makukuha ko? This? Sisigawan mo ako?" Maging siya ay nagtaas na din ng boses.

" Wag mo akong intindihin!"

" Sana nga ganon na lang kadali yang sinasabi mo Kalih." Tumalikod siya dito at akmang lalabas ng practice room pero bago siya tuluyang lumabas ay muli siyang humarap dito. " Sabihan mo na lang ako pag handa ka ng mag open up. Hindi ako manghuhula Kalih. Kung hindi ka magsasabi sa akin, hindi kita matutulungan." At tuluyan na siyang lumabas ng silid na iyon.

Naiwanan namang nakatitig sa nakasarang pintuan si Kalih. Magkahalong inis sa sarili at sa sitwasyon niya ng nararamdaman niya.Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero parang anumang oras ay sasabog ang lahat ng laman ng dibdib niya. Tuluyan na siyang napaluha.

Pasado alas dos na ng hapon ng magtungo si Kalih sa cafeteria upang magtanghalian. Hindi na ulit niya nakita si Baro mula ng iwan siya nito kanina sa practice room. Hindi din niya alam kung nasaan ito. Marahil ay galit nga ito sa kanya at alam niyang kasalanan niya ang nangyari. Kakatapos lang niyang kumuha ng pagkain, luminga siya upang humanap ng bakanteng mesa at agad naman siyang nakakita. Naupo siya doon at tahimik na kumain.

" Look who's here?" Narinig niyang sabi ng isang pamilyar na boses mula sa likod niya.

" Wala ka atang kasama?" Sambit naman ng isa pa.

Sa halip na pansinin ay nagpatuloy lang sa pagkain si Kalih. Kunwari ay wala siyang narinig at itinuloy ang pag-ubos sa pagkain niya. Mukhang hindi iyon nagustuhan ni Yesha at nagtungo sa harapan niya. Itinukod nito ang dalawang kamay nito sa ibabaw ng mesa tsaka humilig palapit sa kanya. Sinalubong niya ang mga matatalim na tingin nito ng matatalim ding mga tingin. Inihinto din niya ang pagkain.

" Bakit lalaban ka na ba?" Pahamon na sabi nito sa kanya.

" Hindi ka ba napapagod na gawin sa akin to Yesha? Hindi ka ba nagsasawa na pagdiskitahan ako?" Balik na tanong niya dito. Umayos ng tayo si Yesha at hinalukipkip ang kamay sa dibdib nito. Hindi nagbabago ang talim ng tingin nito sa kanya.

" Woah! Mukhang lalaban na ngayon to girls ah." Baling nito sa mga kasama.

Tumayo si Kalih. Masyado na siyang maraming iniisip para magpaapekto pa kay Yesha at sa mga kasama nito. Tulad ng dati ay siya na ang iiwas sa mga ito. Pero tila ba nananadya si Yesha dahil kumilos ang mga kasama nito para harangan ang dadaanan niya. Tumingin siya sa paligid. Walang masyadong tao sa cafeteria ngayon kaya malakas ang loob ng mga ito na gawin iyon sa kanya.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon