Chapter 54: Only One

44 14 73
                                    

Kalih's POV

"EunJi?"

Narinig kong sabi ni Baro ng makita nito kung sino ang bagong dating. Binawi nito ang nakalahad niyang kamay na kanina ay aabutin ko na sana. Naiwang nakabitin sa ere ang kamay ko.

"Anong ginagawa mo dito? bakit nasa labas ka pa ng ganitong oras?" Tanong nito sa dalaga.

"May binili ako sa convinience store. Kayo? Anong ginagawa niyo dito? Bakit kasama mo si Ms. Kalih?" Baling nito sa akin.

"Teka!" Nilapitan ako nito at tila ba sinipat ang itsura ko. "Umiyak ka ba Ms. Kalih? Yah!" Tapos ay bumaling muli kay Baro. "Pinaiyak mo ba si Ms. Kalih?"

Nakita kong ginulo nito ang buhok ni EunJi bago ngumiti. "Umuwi ka na. Bago pa kita masaktan diyan. Wag kang chismosa."

"Hai naku!" Sabi nito sabay ayos sa buhok na ginulo ni Baro. "Tigilan mo nga ako. Anong ginagawa mo nga dito?"

"Wala! Sige na umalis ka na." Pagtataboy dito ni Baro. "Magkita tayo bukas sa WM."

"Aissshhh! Makataboy lang wagas?" Tapos ay tumingin ito sa akin. "Mauuna na ako Ms. Kalih. Kapag inaway ka ng Cotton Candy na yan sabihin mo sa akin. Akong bahala." Nakangiting sabi ni EunJi.

"C-Cotton Candy?" Ulit na sabi ko dito.

"Uum." Tapos ay ngumiti ito at muli ay ginulo ang buhok ni Baro tsaka nagpaalam dito bago umalis.

Ng makaalis si EunJi ay tinignan ko si Baro habang nakangiting nakatanaw sa direksyong pinuntahan nito. Tapos ay napaisip ako. Close talaga sila. Marahil ay talagang malapit ng sila sa isa't isa.

Tsaka muling bumaling si Baro sa kanya. Muli ay nabago ang expression nito at nawala ang ngiti na kanina ay kitang kita niyang binibigay nito kay EunJi. Nakitang nitong nakatingin ako sa kanya tapos ay nagtanong ito.

"B-bakit?"

Umiling lang ako tapos ay tumayo na ako. "G-gusto mong kumain? Ginutom ako dun ah." Sabi ko dito. Alanganing ngumiti pa ako para maitago ang nararamdaman ko.

Nakatitig lang siya sa akin tapos ay dahan dahang lumapit muli ito para yakapin ako. Muli kong naramdaman na nag-init ang gilid ng mga mata ko pero pinigilan kong maiyak. Pinigilan kong muling umiyak sa harapan nito.

"T-tara na." Maiiksing sabi ko dito.

"Five minutes. Just give me five minutes." Narinig kong sabi nito. Tapos ay hindi na ako muling nagsalita.

Matapos kumain ay umuwi din ako kaagad para hindi mag-alala si Mama. Papasok pa lang ako sa bahay ng mapansin kong may nakaupo sa upuan sa may veranda ng bahay. Nakita ko si Jeonghan na mag-isa doon at tila ba malalim ang iniisip.
Wala akong inaksayang oras at pinuntahan ko ito.

"Gabi na, bakit gising ka pa." Bungad ko dito.

"Nagpapahangin lang ako." Maiksing tugon nito sa akin. Tumango ako tapos ay umupo ako sa katabi niyang upuan.

"Galit ka pa ba sa akin?" Malamlam ang mga matang tanong nito sa akin.

Umiling ako habang nakatingin dito.
"Hindi ko naman kayang magalit ng matagal sayo. Naexplain na ni mama sa akin ang lahat. Pasensya ka na kung ganon yung naging reaksyon ko kanina. Hindi ko sin-"

Hinawakan nito ang kamay ko. Agad ko namang nabasa ang lungkot na rumehistro sa mga mata nito. Halatang nasasaktan ito ng husto. At naiinis ako sa sarili ko dahil ako ang dahilan non.

"I'm sorry Kalih. K-kung naging selfish ako. Kung hindi ko nasabi ang totoo."

Muli akong umiling tapos ay ngumiti. "Tapos na yun. Kalimutan na natin lahat ng nangyari. Kalimutan na nating lahat ng mga bagay na nangyari noon Jeonghan. Isa pa...
Sa dami ng nagawa mo para sa akin. Wala akong karapatan na magalit sayo." Sabi ko dito. Tumayo pa ako para yakapin ito mula sa likuran.
-----

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon