Chapter 2: Cotton Candy

128 47 59
                                    

Kalih's POV

Maaga pa lang ay nagtungo na ako sa WM tulad nang sinabi ko sa kausap ko kagabi, daig ko pa ang batang excited dahil sa wakas ay may pakiramdam ako na matutupad na ang lahat ng pangarap ko.

Kahapon lang ay magkasunod na kamalasan at swerte ang naranasan ko kaya hindi pa rin ako makapaniwalang nangyayari ang lahat ng ito. Magtatrabaho ako sa WM entertainment at unti-unti ko ng matutupad ang lahat ng plano at pangarap ko.

"Sir yan na po lahat ng demo tapes ko," isinabog ko ang laman ng kahon na hawak ko sa harap mismo ng dalawang lalakeng kausap ko.

Naglalaman iyon ng lahat ng demo tapes na ginawa ko para sa pagbabakasakaling mapiling trainee ng ilang talent agencies na in-apply-an ko. Nananalanging sana ay may isa man lang na tumugon sa pakiusap ko.

"Napakinggan na ninyo po ba 'yong ibang pinadala ko sa inyo?"

Sinubukan ko ang swerte ko sa WM Entertainment, bahagi ito ng Shin Group of companies na siyang tahanan ng ilang kilalang singers sa industriya. Nagbabakasakali akong maging trainee rito dahil naghahanap sila ng bagong talent na naka-advertise pa sa social media. Susubukan ko ang swerte ko na nsging msilsp ss akin nang matagsl na.

Ilang beses na rin akong sumubok para sa pangarap kong makakanta, ilang mga agencies na rin ang napuntahan ko ngunit halos lahat nang iyon ay iisa at pareho lamang ang mga sinasabi nila.

Wala akong potensyal at napakaordinaryo ko lang daw para sa kanila. Pero kahit ganoon ay pinili ko pa ring subukan para patunayang mali sila.

"Napakinggan ko naman na 'yong iba." Tapos ay nakita kong sumeryoso ang mukha ng kausap ko na nagpakilalang si manager Lee pala. "Honestly, you have all the potentials," sabi nito sa akin bago huminto sa pagsasalita.

"Kaya lang ay marami pa tayong kailangan I-work out sa'yo."

"Kahit ano po gagawin ko. Gagawin ko po ang lahat tanggapin lang po ninyo ako."

Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang ginawa ang halos magmakaawa para lang may tumanggap sa akin. Alam kong hindi iyon maganda sa paningin ngunit kinakaya kong tanggapin dahil mas mahalaga na matupad ang pangarap ko, mas gusto ko nang subukan ang lahat ng paraan kaysa naman sumuko na lang ng hindi man lang nagtatrabaho.

"Ms. Park, naiintindihan ko ang ibig mong sabihin, sa maniwala ka o sa hindi ay gusto ka naming bigyan ng pagkakataon. Pero sa takbo ng industriyang ginagalawan namin ngayon, hindi sapat na gusto mo lang kumanta. Hindi rin sapat na magaling ka lang."

Tahimik lamang akong nakikinig kahit pa alam ko na kung saan tutungo ang mga dalitan niya.

"Dapat kaya mo ring tumagal, kaya mo lahat ng ibabato sa 'yo."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang sinabi ni manager Lee sa akin. Daig ko pa ang sinaksak sa dibdib ng ilang ulit dahil sa mga binitawan nitong salita na animo'y matatalim na kutsilyong bumabaon sa dibdib ko. Para akong sinampal ng malakas na malakas, nadudurog ang puso ko dahil parang nakikita kong nilalayuan na ako ng pangarap ko.

Sabihin na nilang desperada ako pero ito talaga ang gusto kong gawin. Bahala na pero hindi ito ang oras para umarte, matapos saglit na tumayo ay yumuko ako sa harapan ni Manager Lee at lumuhod sa paanan nito.

Ikinagulat nito ang ginawa ko, gayun din ng lalakeng kasama nito ngunit nanatili lamang silang tahimik.

Gusto nang mag-unahan ng mga luha ko ss pagpatak ngunit hindi ko hinayaang mangyari iyon dahil ayokong lumabas na talunan. Gaggawin ko ang lahat at magagawa kong tuparin ang pangarap ko.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon