Chapter 26: Jelousy

65 31 16
                                    

Hilam ang mga sa luha na nagtungo si Kalih sa silid nito habang si Baro naman ay nanatiling nakahiga sa kama niya. Iniisip ang nangyari at mga nasabi niya kanina sa dalaga. Samantang si Kalih ay patuloy pa din ang pag iyak sa isiping kayang sabihin ni Baro lahat ng sinabi nito kanina sa kanya. Hindi na niya namalayan pa kung anong oras na siya nakatulog.

Kinabukasan ay halata kila Kalih at Baro ang pag iiwasan at di iyon nakaligtas sa mga mata nila Sandeul, Gongchan, Shinwoo at Jinyoung lalo na nung hindi sumabay si Kalih sa kanila mag almusal at umalis ito matapos magluto.

" Nag-away ba kayo ni Kalih Baro?" Nagtatakang tanong ni Shinwoo sa kanya.

Hindi siya kumibo at tinignan lang ito tsaka nagpatuloy sa pagkain.

" Ano nanamang pinagtalunan niyo?" Sabad naman ni Jinyoung.

" For sure may ginawa nanaman si Hyung kay Kalih kaya nag away sila. Lagi namang ganon ang nangyayari." Si Gongchan naman ang walang prenong nagsalita.

Samantalang si Sandeul ay tahimik lang na kumakain. Tapos ay biglang tumayo si Baro at walang paalam na umalis sa hapag.

" Ano nangyari don?" Nagtatakang tanong ni Jinyoung.

Nagkibit balikat lang yung tatlo. Inisip nilang baka tinotopak nanaman si Baro.

Si Kalih naman ay maagang nakarating sa WM. Pero bago pa sya makapasok sa loob non ay hinarang na sya ng isang pamilyar na lalaki.

Si Jeonghan.

" A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Kalih sa binata.

" May dinaanan lang ako. Naisip kong baka makita kita dito kaya pinuntahan na din kita. Papasok ka na ba?" Sabi nito sa kanya.

Obvious ba? Kalih, wala kang kadala dala. Umiwas ka na sa kanya. Pinag awayan niyo yan na Baro. Sabi ng kalahati ng utak niya pero ang kalahati ay tila nagpoprotesta. Bakit wala ka namang ginagawang masama, wala naman kayong ginagawang masama ah.

Kasalukuyan niyang kausap si Jeonghan ng mapadaan ang isang pamilyar na itim na sasakyan sa harapan nila. Pumarada iyon sa tapat ng WM building at kitang kita niyang lumabas mula doon si Baro. May kasama itong di noya kilalang babae. Pagkababa nila ay umangkla ito doon at tila ni hindi man lang nagprotesta.

Bahagyang nakaramdam ng kirot ang puso niya. Naitanong niya sa sarili kung sino ang babaeng iyon at bakit ganon sila kasweet. Alam niyang tinignan sila ni Baro. Nakita niyang tumingin ito sa direksyon nila ni Jeonghan.

" Kitty! Kitty! Nakikinig ka ba?" Sabi ni Jeonghan sa kanya.

Doon lang niya namalayang tinatawag siya nito at kinukuha ang atensyon niya dahil sa pagkakatulala.

" M-may gagawin ka ba mamaya?" Tanong nito sa kanya.

" W-wala naman sa tingin ko." Sabi niya dito. Pagkatapos ng rehearsals niya ay uuwi na siya.

" Good, susunduin kita mamaya okay? Samahan mo naman ako." Sabi nito sa kanya pagkatapos ay ngumiti.

" Samahan saan?" Nagtatakang sabi niya.

" Basta!"

" Kapag hindi mo sinabi kung san tayo pupunta hindi ako sasama sayo." Pananakot niya dito.

Bumuntong hininga ito bago muling nagsalita. " Birthday ko kasi ngayon. Wala akong kasama magcelebrate kaya yayayain sana kita." Sabi nitong muli.

" Talaga? Birthday mo?" Di makapaniwalang sabi ni Kalih.

" Tignan mo ikaw, magtatanong tapos hindi maniniwala pag sinagot." Natatawang sabi nito. " So paano, see you later. Ah teka lang. Cellphone?"

" Huh?"

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon