Chapter 40: Why?

41 21 24
                                    

" Anong sinabi mo Oppa?" Bulalas ni Kalih ng marinig ang sinabi ni Morgan.

" Nakaschedule na ang debut mo Kalih!" Sabi nito kay Kalih. Halata sa boses nito ang excitement ng sabihin ang balita na iyon sa dalaga.

" Seryoso ka ba?" Tutop ni Kalih ang bibig habang hindi makapaniwala sa sinasabi ng kahrap.

" Oo kaya magpunta ka na sa opisina ni Manager Lee dahil hinihintay ka na niya. Bilis na!" marahan pang itinulak ni Morgan si kalih palabas ng training room.

Nakasalubong ni Kalih si Sandeul at Gongchan habang patungo siya sa opisina ni Manager Lee. Napansin ng mga ito ang pagkakatutop pa din niya sa mga labi niya kaya hinarang siya ng mga ito.

" Kalih, may problema ka ba? Bakit ganyan ang itsura mo?" Bungad sa kanya ni Sandeul.

" Uy Kalih?" iwinasiwas pa ni Gongchan ang palad sa harapan niya na tila ba kinukuha ang atensyon niya.

" Sandeul Oppa, Channie... malapit na daw akong magdebut." sabi niya sa mga ito na animo ay nakatulala.

" Talaga!?" Halos sabay na sabi ng mga ito.

Tumango lang siya tapos ay nagtatalon naman sa tuwa ang mga kaharap. Natigil lang ang mga ito ng lumapit si Baro sa kanila at sinita ang mga ito.

" Kayong dalawa, tigilan niyo na muna si Kalih at kailangan niya pang pumunta sa opisina ni Manager Lee." Hinawakan pa siya nito sa balikat at inilayo sa dalawa.

" Yah!" Aangal pa sana si Sandeul ng muling magsalita si Baro.

" Bye Deullie, ilibre mo kami ng pagkain mamaya okay." Sabi nito pero hindi na nilingon si Sandeul at Gongchan.

Naiwang napapakamot naman sina Sandeul at Gongchan ng lingunin ni Kalih ang mga ito.

" A-alam mo na?" Baling naman niya kay Baro habang iginigiya siya nito patungo sa opisina ni Manager Lee.

Tumango ito tapos ay nginitian siya. " Kahapon pa. Hirap na hirap na nga ako magpigil para wag ko lang masabi sayo eh." reklamo nito. " Kaya galingan mo okay at pakinggan mo si Manager Lee."

Huminto sila sa tapat ng pinto ng opisina ni manager Lee, bumitaw sa kanya si Baro at binuksan ang pinto para sa kanya. " Pasok na Kalih!"

Nagpaalam si Baro kay Kalih bago niya tuluyang isara ang pinto, ngunit ang kaninang ngiti niya ay napalis ng makita kung sino ang kasama ni Manager Lee na naghihintay sa kanya sa opisina nito.

Walang iba kundi si Yesha.

" Oh Kalih, there you are. Have a sit." bati ni Manager Lee sa kanya tapos ay itinuro nito ang upuan sa harapan nito katabi ng kinauupuan ni Yesha.

Narinig niyang umismid si Yesha ng makaupo siya pero hindi na lang niya iyon pinansin.

Ipinaliwanag ni Manager Lee kung bakit sila pinatawag nila Yesha. Sinabi nito na kailangan nilang maghanda para sa nalalapit na Debut nila. Sabay daw silang ipapakilala bilang bagong mga recording artist ng WM. Agad niyang narinig na nagsalita si Yesha.

" Bakit magkasabay kaming magdedebut?" Sarkastikong tanong nito na bumaling pa kay Manager Lee bago siya tignan.

" Management's decidion Yesha. Isa pa it's about time na magdebut kayo so the management decided na it's going to be a back to back debut." paliwanag naman nito.

" This is crazy! What make them decide na isabay ako sa kung sino lang sa tabi tabi. Hindi pwedeng mangyari to."

" Yesha, the decision is final. Nakaset na ang date ng debut niyo, so what I want you two to do is practice and be ready okay. We've prepared everything at plantsado na ang lahat." Nakangiting sabi nito.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon