Chapter 44: Goodbyes

45 18 18
                                    

" Sigurado ka na ba sa gusto mong gawin?" Naniniguradong tanong ni Jana sa kanya, nasa bahay nila ito ngayon at dinala ang mga gamit niya na naiwa dito.

Marahan lang siyang tumango.

" As in sigurado ka na ba talaga?" Ulit na tanong nito.

Muli ay tumango si Kalih.

" Eh paano to?" Itinuro nito ang dibdib niya, ang bahagi kung sana nandoon ang puso niya. " Kaya ba niyan lahat ng sakit?"

Mapakla siyang ngumiti. " Qouta na ako Jana. Ano pa bang hindi kakayanin nito. Sa isang araw parang bumaliktad ang mundo ko sa mga nangyari. Sa tingin mo ba wala pa akong hindi kakayanin?"

" Kung sabagay. Pero ang balita ko may presscon ang WM tungkol sa nangyari sa inyo ni Yesha at may announcement pa daw ang mga ito. Sa tingin mo ano kaya yung iaannounce nila?" Curious na tanong nito sa kanya.

Hindi na siya sumagot pa. Ayaw na niyang pag-usapan pa ang kahit ano pa mang may kinalaman kay Yesha o sa WM. Naiisip niya lang lalo si Baro at ang ginawa nito.

Matagal ng nakaalis si Jana. Namamahinga siya sa may garden ng maramdman niyang may umupo sa harapan niya. Tinignan niya iyon at nakita ng mama niya.

" Kalih, bakit mag-isa ka dito?" Nakangiting bungad nito sa kanya.

" Nagbabasa lang po ako. Nagpapahangin na din po." Tugon niya sa ina.

Inabot nito ang kamay niya at ngumiti. Tapos ay tinignan siya nito sa mga mata.

" Wala ka bang gustong itanong anak? Alam kong galit ka dahil sa pag-iwan ko sayo noon at al-"

" Ma, hindi po ako galit sa inyo. Kahit kailan hindi ko gugustuhin magalit sa inyo. Tama po kayo marami po akong tanong pero masaya po ako na makita kayo ulit. At sapat na iyon para sa akin." Aniya sabay ngiti sa ina. Pinisil niya ang kamay nito na nakahawak sa kamay niya.

" Namiss kita Kalih. Walang araw na hindi kita naiisip. At walang araw na hindi ko ginusto na hindi ka makita." Panimula nito. " Noong naghiwalay kami ng papa mo, alam kong wala kang alam dahil pinili kong wag ng sabihin sayo ang dahilan kung bakit ko kinailangang umalis. Napakabata mo pa noon para maintindihan lahat. Tsaka isa pa nung umalis ako gusto kitang isama, pero hindi ako pinayagan ng papa mo na dalhin ka. Patawarin mo ako anak." Nakita niyang nagsimulang mangilid ang luha ng kanyang ina.

" Kalimutan na po natin iyon mama. Ang importante ay kasama na kita ngayon." Lumapit siya dito at niyakap iyon.

" Oo nga pala, napanuod kita noon sa music festival. Ang galing galing mo Kalih." Sabi nito sa kanya habang yakap niya ito.

" Napanuod niyo po ako?" Bukalas niya.

Tumango ito sa kanya. " Nasa audience ako non. At kitang kita kong masaya ka sa ginagawa mo at gusto kong muling makita kang ganon kasaya. Gusto kong makita na magperform ka ulit anak."

Nalungkot siya sa narinig niya. Paano pa siya makakapagerform ulit sa sitwasyon niya. Alam niyang ngayon ay imposible na mangyari ang gusto nito.

-----

" Hyung ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Gongchan kay Baro. Ilang araw na kasi nilang hindi makausap ito ng maayos. Palaging nakakulong sa kwarto at bihirang lumabas doon.

Wala sa loob na tumango lang si Baro. Sa totoo lang ay wala siyang gana. Pakiramdam niya'y gumuho ang kalahati ng mundo niya sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw.  Hanggang ngayon ay paulit ulit pa din niyang naiisip ang mga binitiwang salita ni Kalih sa kanya. Ang isiping wala na ito sa buhay niya ng hindi man lang siya nakapagpaliwanag dito ay parang mabigat na batong pilit na nagpapabigat sa dibdib niya.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon