Chapter 8: Too Painful

57 43 19
                                    

Baro's POV

Gising na gising pa ako. Kahit anong gawin ko ay hindi ako magawang dalawin ng antok. Pilit kong inalis sa isip ko ang mga nangyari nitong nakaraang araw. Lalo na ang pagpapakitang muli ni Chinee sa akin. At paglitaw ulit nito sa harapan ko. Akala ko noon ay kaya ko na syang pakawalan ng tuluyan. Alam ko sa sarili ko na ginusto kong pakawalan siya noon. Ginusto kong maging magkaibigan na lang kami. Dahil masasakatan lang kaming pareho. Masasaktan lang ako. Pero ano bang nangyari sa akin. Tila ba bumalik lahat ng nararamdaman ko mula ng makita ko ulit siya.

Malinaw pa sa alala-ala ko ang lahat. Yung panahon na sabihin nitong aalis na sya pabalik ng Pilipinas. Yung umagang nag usap kami.

" Can we make this morning a happy memory for me?" Sabi ni Chinee ng makita niyang tila nalulungkot ako.

Tumahimik ako at hindi na nagsalita. Tapos ay nakita ko siyang ngumiti sa akin.

" Can I atleast hug you once?" Hiling ko sa kanya.

Binitawan niya ang hawak na plato at lumapit sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit na para bang ayaw ko na syang bitawan pa. Naramdaman kong gumanti rin siya ng yakap.

" You're breaking my heart Chin." Pagkaraan ay sabi ko sa kanya. Damang dama kong tila pinupunit ang puso ko.

" You're just fond of me because I'm a new sight for you. Sooner ay makikilala ka ding iba at makakalimutan mo ako." Sabing muli ni Chinee.

" Do not under estimate my feelings, kapag sinabi kong gusto ko, gusto ko talaga. Anyway, I am happy that I got to tell you how I feel. At least I won't regret it till the end." Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya tapos ay ngumiti ako. Tinitigan ko siya tsaka ikinulong ang mga pisngi niya sa palad ko.

" Hey!" Narinig ko pang sigaw nito dahil sa ginawa ko.

Hindi ako nagsalita. Sa halip ay inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at ginawaran siya ng halik sa labi.

Tinakpan ko ang mga mata ko ng dalawang palad ko. Ayoko ng mag isip. Dahil tuwing susubukan ko, mukha lang ni Chinee ang naaalala ko.

Bakit ngayon pa niya ako guguluhin ulit ng ganito. Si Chinee ang tinutukoy niya. Bakit ba pakiramdam niya ay magugulong muli ang mundo niya.

Kinabukasan...

3rd Person's POV

Lumabas si Baro sa silid nito na tila ba walang gana at animoy puyat na puyat. Agad namang napansin iyon ni Kalih. Pero dahil ayaw niyang maasar ay pinili niyang pabayaan na lang ito. Naghanda siya ng almusal. At isa isang naglabasan ang B1A4 sa kanya kanya nilang silid maliban kay Shinwoo na sa bahay nito umuwi.

" Hindi pa din ako makapaniwala." Sabi ni Sandeul. " Our little Chinee is Shinwoo Hyung little sister?"

" Kahit ako. Pagkakita ko sa kanya sa party napatanong talaga ako kung sya ba talaga yung Chinee na nakasama natin dati." Sabi naman ni Channie.

" Napansin naman ni Kalih na walang imik si Jinyoung. Masama kaya nag pakiramdam niya, baka masama ang gising. Bulong niya habang pinagmamasdan ito.

" Magsikain na kayo. May schedule kayo ng 10am ngayon. Tapos free kayo ng 1pm hanggang 3pm. Tapos may schedule ulit 3pm to 7pm." Sabi ni Kalih sa mga ito. Nasanay na siya na kabisaduhin ang schedule ng mga ito na binibigay ni Morgan sa kanya.

Nagsimula namang kumain ang mga ito. Salitan niyang tinignan sina Baro at Jinyoung. Hindi kumakain ang mga ito at nakatulala lang na tila ba ang daming iniisip.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon